Chapter 42

0 0 0
                                    

Chapter 42: The contract

Nasa school library ako ngayon, pinipilit ang sariling libangin para hindi ko maalala ang mga magulang ko. Naiisip ko lang ang kalagayan nila at malulungkot na naman ako.

Bukas na ang schedule ng exam ko kaya tudo review ako ngayong araw. Hindi muna ako sumabay sa kanila mag lunch baka hindi lang ako masyadong makakain.

Na e stress ako kaka isip sa mga problema ko. Ayoko pang mag-alala sila.

Habang nagbabasa bigla kong naisip si Kyle. Ano na kayang nangyayari sa kanya? Bakit hindi siya pumapasok?

Naka rami na rin akong send sa kanya ng message pero ni seen hindi niya ginagawa, pero hindi ako tumitigil.

Kyle Larson

Kyle, san ka?

Bat di ka nag re-reply?

Mag pakita ka naman samin promise di kami galit.

Hoy! Anong nangyari sayo?Malaki ba talaga ang problema mo?

Kyyyyllleee!

Kyle, kilala ko na yung Magulang ko.
Tama ka, si Aleng Madelaine nga yun.

Isang reply naman dyan Kyle! Para mo naman akong ginhost.

Nanliligaw ka di ba?

Bahala ka dyan.

Di na kita e cha chat.


Kyle.

Puntahan kita sa susunod na araw.

...

Tinadtad ko na siya ng mga messages pero hindi pa rin nag re reply. Para na akong tangang kinukulit siya kahit hindi niya naman na babasa.

Nakakainis lang. Biglang mang iiwan sa ere. Akala mo naman siya lang yung may problema. Tsaka kung may problema man siya, andito naman kaming mga kaibigan niya. Di naman kailangang hindi siya magpakita sa amin.

Pagnakita ko talaga siya, sasapakin ko mukha niya.

Dahil napapagod na rin ako kaka review ay naisipan ko nang pumunta sa Cafeteria. Di ko sure kung andun pa ba ang mga yun dahil 15 minutes nalang naman at magsisimula na ulit ang klase.

“Isang sandwich at Chuckie lang po” Sambit ko sa tindera. 2 minutes lang ang hinintay ko at dumating na agad ang order ko, Yes binilang ko talaga kung ilang minuto.

“Can I sit here?” Inangat ko ang tingin ko sa isang lalakeng nagtanong.

Inilibot ko ang paningin ko at wala namang masyadong students so bakit dito pa talaga sa table ko?

“Dito ka nalang” I politely said and I stood up. Napa iwas ako ng hawakan ng pigilan niya ako.

“Hindi okay lang, wala kasi akong kasama kaya kung okay lang bang mag share tayo?” Awkward akong ngumiti at tumango. Magiging bastos ako kapag umalis ako o tatabuyun ko siya.

Mary Madison (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now