Chapter 41 Wayne
Naglalakad ako ngayon sa kahabaan ng hallway at nakaka ilang ang mga titig ng mga estudyante sa akin. Para akong artista sa mga gwardya sa bawat gilid ko.
Sabi kasi ni Lolo mas mabuting may mag bantay samin para safe kami.
Nang makapasok na ako sa room ay sa labas nalang sila naghintay.Nakakahiya nga e.
Pagka upo ko ay wala ang lalakeng palaging nangungulit sakin. Late siguro yun.
Lunes ngayon at paniguradong wala kaming ibang gagawin kundi mag practice ng mag practice sa paparating na graduation.
Matapos ang mahigit 30 minutes ay nagsimula na ang klase. Andito na rin si Wayne sa tabi ko.
Matapos ang klase ay nagkita kita kami sa cafeteria para sa lunch break namin. Nahihiya nga ako kasi may nakasunod sa aking gwardya.
Balak ko ring sabihin sa kanila ang mga nangyari.
“Ang sosyal may body guards ka” Sambit ni Ashley. Tumawa lang ako ng peke.
“Anong nangyare?” Tanong ni Zyke. Lahat ata sila nagtataka kung bakit may nakasunod sa aking dalawang malalaking lalake.
“Hmm guys. Nakita ko na kasi yung pamilya ko” Sambit ko. Nanlaki ang mata nila at halatang masaya sila sa nangyari ngunit agad ding nabalot ng pagtataka ang mukha nila.
“Kung ganun bakit parang di ka masaya?” Tanong ni Wayne. Kanina niya parin ako tinatanong tungkol sa mga lalakeng nakasunod sakin.
“Marami kasing kaaway ang Lolo ko dahil sa kompanya lalo na ang Daddy ko” Paliwanag ko.
“Yung Daddy ko raw dinukot 17 years ago na ang nakakalipas—“Wait...you mean hindi ka pa pinapanganak?” Tumango ako.
“Hanggang ngayon hindi pa siya nahahanap pero hindi sumusuko sina Lolo sa paghahanap sa kanila” Sambit ko habang inaalala ang mga magulang ko.
“Sa kanila???” Nagtatakang tanong ni Ashley. I smiled shortly.
“Si Aleng Madelaine...siya yung Mama ko” Nakangiting usal ko. Agad silang nagkatinginan at di makapaniwala sa sinabi ko.
“OMG. No wonder of all people na pwede mong kaawaan siya yung napili mo” Usal ni Ashley.
“Oo nga, so asan na siya ngayon?” Masiglang sabi ni Zyke. Lumungkot ang mukha ko at feeling ko maiiyak na naman ako nito.
“Dinukot rin siya” Naiiyak na sabi ko. Lumapit si Ashley sa akin at binalot ako ng yakap.
“Mahirap ang pinagdadaanan mo stau strong tsaka for sure sooner mahahanap rin sila” Pagpapagaan ng loob sa akin ni Ashley.
“Kaya wag ka nang malungkot. Yung nakilala mo lang ang family mo is blessing na” Bulalas ni Zyke. Pilit ako ngumiti at tumango.
“Hmm may sasabihin pa pala ako sa inyo” Sabi ko. Tinignan nila ako. Hinihintay ang sasabihin ko.
“Mag a advance ako ng exam at lalayo muna kami pansamantala para sa kaligtasan namin” Lumungkot ang mga mukha nila.
“Wag kayong mag alala guys my VC naman” Nakangiti kong sabi.
“So magiging mag-isa na naman ako?” Malungkot na sabi ni Ashley.
Natawa ako sa inasta niya. Mag pout siya.
“Ano ka ba! Andyan naman sina Zyke at Wayne” Bulalas ko. Inirapan niya ang dalawa.
“Basta mag ingat ka roon” Nakangusong sabi ni Ash.

YOU ARE READING
Mary Madison (UNDER EDITING)
Mystery / ThrillerStarted: July 2, 2021 Ended: November 24, 2021 You can read the English Version in Goodnovel