Chapter 27

1 0 0
                                    

Chapter 27: Birthday Surprise


Few days later...

“Anak!” Napamulat ako ng mga mata ko ng marinig ang isang malakas na sigaw. Mula yun sa kwarto ni Aleng Madelaine.

Agad akong tumakbo at pumasok sa kwarto niya. Naabutan ko siyang naghahabol ng hininga niya kaya madali akong kumuha ng isang basong tubig.

I asked the obvious question.

“Okay lang po ba kayo?” tanong ko ng tumabi ako sa kanya. Umiiyak siya.

She looked at me with her teary eyes.

“Yung anak ko—Si Madi...” Kumunot ang noo ko sa sinabi niyang bagong pangalan.

“inom po muna kayo ng tubig” I said na ginawa niya naman. Naaawa ako sa kanya. Siguro ang hirap hirap ng walang maalala tapos napapanaginipan mo pa.

“Si Grayson” Usal nito na lalong ikinagulat ko. Posible kayang bumalik na ang alaala niya?

“May naaalala na po ba kayo?Sino sila?” I asked her slowly.

It's past 3 AM palang kaya antok na antok pa ako. But I'm still here besides her kahit wala akong kasiguraduhan na hindi siya magiging Monica ngayon. Kapag nagkataon baka deads ako dahil kami lang dalawa rito.

“Ang pamilya ko” Nakatulala nitong sabi. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, sa wakas may nakuha na akong impormasyon sa kanya. Ngayon ay pwede ko na siyang matulungan na mahanap ang pamilya niya.

“Tutulungan po kitang hanapin sila, sa ngayon magpahinga po muna kayo. Sigurado akong mahahanap rin natin ang pamilya mo” Sambit ko habang nakangiti. Ngumiti ito habang inaalalayan kong makahiga.

Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas ako ng kwarto niya. Dumeretso muna ako sa kusina at uminom ng tubig. Sa totoo lang kinakabahan ako kanina baka kasi bigla siyang maging Monica.

Pero mas nangingibabaw sakin ang pagtulong sa kanya.

Tinalikuran ko na ang kusina para bumalik sa kwarto ko ngunit dahil sa gulat kay Aleng Madelaine na biglang sumulpot sa likod ko ay napaatras ako at napahawak sa dibdib ko. Para akong nagkaroon ng mini heart attack.

“Yung baso” Sabi nito at inilagay ang baso sa mesa. Bumalik naman agad ito sa kwarto niya. But still hindi ako maka move on sa parang multong moves niya!

Nakakatakot para talaga siyang something na multo!

Mabigat ang paghinga ko ng makabalik sa kwarto ko. Agad ko itong ini lock at humiga na rin. I stared at the ceiling. Bukas na bukas maghahanap ako ng impormasyon tungkol sa kanya.

Hindi na pwedeng magtanong akong sa pulis baka paghinalaan ako ng mga ito at mabalik ako sa house arrest.

Bumalik ako sa tulog at kinabukasan 20th day of December. My Birthday. Ngayon rin ang Christmas party namin every room tapos bukas naman ang Christmas party namin para sa band.

Nakabili na ako ng regalo sa taong na bunot ko. Unexpected person pa.
Ng mag umaga ay nagligo na ako at nag bihis. Nagsuot lang ako ng simple red cocktail dress at nag flat shoes na rin, hindi ako sanay sa heels.

“oh?Ang aga mo naman” Sabi ko ng maabutan ko si Kyle sa sala. He's wearing a white polo shirt which made him more handsome.

“30 minutes lang naman akong maaga I just want to be the first whom will great you. Happy Birthday Mary” Nanlaki ang mata ko sa gulat. Pano niya nalaman? I mean... Hindi ko naman sinabi. Wala akong sinabihan tungkol sa birthday ko.

Mary Madison (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now