Chapter 22

5 0 0
                                    

Chapter 22: A sudden confrontation

May mga tao talagang bigla bigla nalang hindi namamansin. Hindi mo alam kung may nagawa ka bang mali o sadyang topakin lang talaga ang taong yun.

Sa lahat nang klase hindi niya ako pinapansin. Oo alam kung noong una ayoko talagang kinakausap pero sinanay niya ako e. Sinanay niya ako sa pagiging madaldal niya.

Bakit ngayon bigla siyang tumigil. Ang tahimik niya or should I say ang tahimik niya kapag kasama ko siya.

Kinakausap niya naman ang mga kaklase namin pero pagdating sakin hindi man makatingin sa mga mata ko.

We're on our way to music room, tapos na ang klase kaya oras na ng practice. Sabay kaming naglakad pero walang nag-sasalita kahit isa sa amin.

Gusto ko na sana siyang kausapin pero umaatras ang dila ko at nawawala ang salitang gusto kong sabihin.

Nang makapasok sa room ay bumungad sa amin ang nakangiting si Kyle. Nakatingin siya sa akin kaya napaiwas ako.

"Tss" rinig kong asik ni Wayne. Teka nagseselos ba siya?Or assuming lang ako. Wala namang gusto sa akin ang lalake sadyang natural lang para sa akin ang mga kilos niya.

Andito na rin si Zyke—si Ashley nalang ang kulang.

"Hintayin muna natin si Ashley nag cr lang" Usal ni Zyke.

Tumayo si Kyle at kumuha nang isang upuan, akala ko kung ano nang gagawin niya kinuhanan niya lang pala ako nang upuan, how sweet.

"Thanks" Sambit ko nang maka upo na.

We have one meter distance to each other, nakahawak ng isang pirasong papel si Zyke. Si Kyle naman ay as usual may hawak na na gitara.

Si Wayne naman ay pumwesto sa drum. Napatakip ako nang tenga nang bigla niyang hinampas ang drum gamit ang dalawang stick.

Hindi pa nga kami nagsisimula!

"Magsabi ka naman! Nakakagulat ka" Sambit ko ngunit hindi niya lang ako pinansin. Nakakainis na yung ugali niya.

"I'm here" Nakangiting sabi ni Ashley nang makapasok.

Dala dala nito ang bag pack niya.

"Mag simula na tayo" Usal ni Zyke at naglakad tsaka huminto sa harap namin. Ngayon ay nagpapaka leader na siya.

"Bali walong kanta ang sasanayin natin" Hindi kami umimik at nakinig lang sa kanya.
"Obviously mga love song ang kakantahin natin, hindi pa ako nakakapag decide dahil gusto kong mag suggest kayo" Usal nito, tumingin siya sandali sa papel at tskaa tumingin sa amin.

"Sinong unang mag sa suggest?" Tanong nito at tinignan kami.

Nagtaas nang kamay si Ashley dahilan para mapatingin kami sa kanya.

"Ang valentines hindi lang naman para sa mga lovers we should consider some friendship songs?" May tunog pagtatanong na sabi niya. Napa tango tango naman ako. Tama nga naman.

Tsaka dapat may sad song kawawa naman ang mga single o yung mga iniwan parang ma a out of place lang sila knowing na dapat lahat umattend sa program.

"Sige so anong ma e sa suggest mo?" Tanong ni Zyke.

"Wala akong maisip hehe" Natawa ako nang bahagya sa sinabi ni Ash.

Nagtaas ako nang kamay.

"With a smile" Sabi ko, ngumiti naman ito nang nakakaloko sa akin. Alam ko na ang iniisip niya. Yung unang pagkikita namin dito. Actually siya lang ang nakakita sa akin.

Mary Madison (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now