Chapter 58 Permission to love
“Wayne! Bakit tayo andito? Nakakahiya sa mga magulang mo?” Balisang sabi ko. Huminto kami dito mismo sa tapat ng bahay niya.
Bukod sa hindi ko pa na me meet ang parents niya ay hindi ko rin kayang pumasok sa bahay niya na walang kasama—specifically my friends.
Kasi baka maging estatwa ako dito sa sobrang tahimik ko.
Mapanukso pa naman ang mga kapatid niya. Tsaka baka di pa nila nakakalimutan yung nangyari months ago!
“Gusto ka nilang makilala, Mary” Sabi niya. He was looking straight to my eyes.
“Pero natatakot ako!” Giit ko pa. Nakita ko siyang tumawa.
“So you know how it feels” Inirapan ko siya. Hinawakan niya ang kamay ko.
“Trust me okay? Mabait sila tsaka hindi ko naman hahayaang ma out of place ka dito” Sambit niya. Wala na rin akong magawa ng makita kong lumabas na ang isang kapatid niya, yung lalake.
Bumaba na rin ako. I awkwardly smiled at his brother.
“Hello” Sambit ko.
“Naghihitay na po sila Mommy sa loob” Sabi niya kaya bigla akong kinabahan. So this is what he planned.
I only saw his parents on the photo at hindi naman mukhang masungit. Sa totoo nga masyadong light nung aura ng mga magulang niya.
Pero looks can be deceiving nga di ba.
“Good morning po Tita” Sabi ko. Ngumiti sila sa akin at alam ko sa sarili ko na welcome ako sa pamilyang to. Napaka bait nila.
“You must Mary Madison” I nodded mutely. Nasa sala lang kami at hindi man lang ako maka focus sa kinakain kong cookies.
“You’re from a wealthy family” Nahihiya akong yumuko.
“Lately ko lang po silang nakilala” Pag amin ko.
“Narinig nga namin sa news.” Sabi ng ate niya. Kinikilatis nila akong lahat.
“Ang ganda mo pala sa personal, I only saw you in my son's wallpaper—
“Dad!” Sinulyapan ko ng tingin si Wayne and he was scratching his neck.
I smiled secretly.
“Tapos gabi gabi kang kenukwento niya sa amin ate” His brother said. I was mentally laughing. Ano kayang pinag sasasabi nito sa pamilya niya?
“Kailan mo pala sasagutin si Kuya?” Natigilan ako sa sinabi ng kapatid ni Wayne. I saw how he's sister cover his brother’s mouth.
After na ilang oras na pag-uusap nagpaalam na kami sa pamilya niya. I felt welcomed.
May pupuntahan pa raw kasi kami. Being with Wayne right now feels better.
“Saan tayo pupunta ngayon?” Nagtatakang tanong ko habang nakatingin sa dinadaanan namin.
“Somewhere na mag e enjoy ka” Nakangiti niyang sabi sa akin not untill we got into the mall.
Alam ko nang sa arcade kami pupunta.
When we arrived, The whole place filled with different people. Some music were making the people happy even more.
“Claw machine?” He asked.
“Sige!” Parang batang sabi ko at mabilis na pumunta sa claw machine. Others may call it childish but this is the most game I like here in arcade. At hindi ako magsasawang pumunta rito as long as may kasama ako.

YOU ARE READING
Mary Madison (UNDER EDITING)
Mystery / ThrillerStarted: July 2, 2021 Ended: November 24, 2021 You can read the English Version in Goodnovel