Chapter 16

4 1 0
                                    

Chapter 16: Blamed

[VERONICA]

"Ano ba Nica! Tumigil ka nga nakakahilo yang ginagawa mo!" Sigaw sa akin ni Maeji kaya napatigil ako.

Kinakagat ko ang kuko nang daliri ko dahil sa kaba. Sana walang nangyari kay Ate Mary. It was just a prank hindi ko naman alam malulunod siyang tuluyan.

Hindi ko malapit lapitan si Daddy sa kinauupuan niya. Alam kong Problemadong problemado siya, naka police uniform pa siya at pauwi na pero ang nadatnan niya ay si Ate Mary na nalulunod.

"Sana hindi mo nalang yun ginawa Maeji" Naiiyak na sabi ko sa kanya.

"Excuse me?It was your idea ikaw ang dapat sisihin" Puna niya. Kami lang dalawa ang sumama dahil nag pumilit talaga ako.

"Pero ikaw ang nag butas!" Sambit ko, alam kong naririnig na kami ni Daddy ngayon kaya mas hininaan ko pa ang boses ko.

Patuloy na pina pump si Ate Mary sa loob at natatakot ako baka hindi niya kayanin.

I hate her but it doesn't mean that I want her dead. Gusto ko lang naman na umalis siya sa bahay because she cause too much trouble into us.

Lumabas ang Doctor dahilan para mapatayo si Daddy at lumapit ito sa kanya.

"Are you the father of the patient?"

"Sabihin niyo sakin, ano nang kalagayan niya ngayon Doc?" Kumirot ang puso ko knowing that my Daddy ignored that simple question.

"Marami rami rin siyang nainom na tubig but she's stable now, oobsebahan pa namin sa ngayon ang kalagayan niya pwede rin kasing magka brain damage siya dahil sa tubig na nainom niya but for now stable na siya" Umalis ang Doctor matapos sabihin yun at magpaalam.

Hindi pa kami pinapasok sa loob dahil may ginagawa pa raw ang mga Doctor.

Napaatras ako nang bahagya nang lapitan ako ni Daddy.

"Ihahatid ko na muna kayo sa bahay, mag pahinga na muna kayo" He's giving me cold treatment which I am used to.

Tahimik naming tinahak ang daan pauwi at walang sino mang gustong mag salita. Dahil sa pagod na rin ay naka tulog ako sa byahe.

Kinabukasan ay tahimik ang bahay. Tahimik na nag lilinis ang mga maid.
Mag isa nanaman ako.

Siguro nga naging advantage para sa akin ang pag stay dito ni Ate dahil kahit papaano ay may nakakausap ako.

May kumatok sa pinto dahilan para mapatayo ako at pagbuksan ito nang pinto.

"Bakit?" Tanong ko sa maid.

"May bisita po kayo Ma'am" Nagtaka ako dahil wala naman akong inaasahang bisita. Umuwi naman na ang mga kaibigan ko.

"Sige. Bababa na ako" Sambit ko at sinarado na ang pinto. Inayos ko ang sarili ko bago lumabas at bumaba.

Tatlong lalake at isang babae ang bumungad sa akin sa baba. Hindi sila pamilyar sa akin dahil wala naman akong kaibigang lalake.

"Hi, bandmates kami ni Mary" Sabi nang lalakeng naka red hoodie.

"Ah wala siya reto ngayon" Sambit ko at lumapit sa kanila. Umupo kami sa sofa at tinignan ko sila isa isa.

Mary Madison (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now