Chapter 18: Pj
"Ohh! Oh! Oh hey! I dont wanna kshdheisjsnjakskllJab ey ey is somebody to you!"
Napatakip nalang ako sa tenga ko dahil sa lakas nang boses nila. Sinasabayan nila ang malakas na musika pero hindi ko naman alam ang mga binibigkas nilang lyrics.
"Please! Sira na ang eardrums ko!" Natatawang sabi ni Ashley.
Magkatabi kami ngayon sa back seat , nasa window view siya habang ako naman ay pinag gigitnaan nilang dalawa ni Zyke.
Magkatabi si Kyle at Wayne sa front seat at hindi ko akalain na tatagal sila nang tatlong oras na magkasama sa byahe the fact na parang asot pusa ang dalawa.
Gamit namin ang kotse ni Kyle dahil nag presinta na rin ito at siya na rin ang nag da drive.
My license na rin naman siya dahil nasa legal age na siya.
Matapos ang kanta ay slow music naman ang tumugtog. Buti naman.
South High ang pangalan nang paaralang nilipatan niya at alam na alam ko yun dahil doon ako nag grade school.
Doon din kami nagka kilala. Parehong Santo Domingo ang nilakihan namin.
It took for me a day para kumbinsihin si Tito Vescinzo dahil hindi nga ako pwedeng gumala because of my issue. Hindi ko alam kung kailan pa matatapos ang kasong yun, hindi rin naman niya ako sinasabihan nang update tungkol kay Aleng Madielaine na nasa bahay ni Kyle.
To my surprise pinayagan niya ako, akala ko kasi gagamitin ko ang nag iisang alas ko. Ang palagi kong nirarason sa twing pupunta sa bahay ni Kyle. Practice. Practice matters.
"Malayo pa ba?" inip na sabi ni Wayne, I almost laugh dahil sa inaasta niya. Sasamahan niya raw ako but look at him now naiinip na.
"Akala ko pa naman kaming dalawa lang ni Mary edi sana okay lang sakin kahit isang linggong byahe" Napalunok ako dahil sa sinabi niya. He didn't realize what he just said?did he?"Gusto mo ba si Mary?" Okay ito nanaman. Maiipit nanaman ako sa sitwasyon. Bakit ba ito ang napili nilang topic?
Wayne didn't answer that question and he just ignored it. Instead he shift the topic.
"Ano ba kasing kailangan mo kay Cordova?Dapat nga ikaw ang pinupuntahan niya para mag sorry" Sabi nito habang nakatingin lang sa bintana.
"Gusto ko lang siyang makausap" Tipid na sabi ko. Pa ulit ulit nalang. Gusto ko siyang maka usap pero hindi ko alam ang sasabihin ko, hindi ko alam ang gagawin ko.
Matapos ang mahigit apat na oras na byahe ay nakarating rin kami sa mismong baranggay nang Santo Domingo.
Huminga ako nang malalim dahil sigurado akong marami makakakilala sa akin dito. At makikita ko ulit ang bahay namin noon.
"So saan tayo magsisimula?" Tanong ni Kyle, napatingin ako sa rare view mirror at nagsalubong ang mga tingin namin.
"E park mo nalang ang kotse sa tabi lalakad nalang tayo hindi na kasi makakapasok ang kotse doon" Sambit ko. He turned the engene off.
Naunang lumabas si Wayne dahil kanina ko pa rin napapansin ang pagtingin tingin niya sa paligid.
Mula rito sa kinatatayuan namin ay kitang kita ko ang malaking bahay na kinalakihan ko.
"Tara na" Sabi ko at sinundan naman nila ako. I blocked the sun that kissing my forehead sobrang init kaya bahagyang naka pikit ang mga mata ko.
Ala sais kami nag byahe at pasado 10AM na.
Wala masyadong naglalakad na mga tao dahil working days ngayon at oras rin nang klase.
Hindi naman pwedeng mang distorbo kami nang klase just because I want to talk to her maghihintay nalang siguro kami sa bahay.
Dinala ko sila sa bahay naman kahit hindi ako sigurado kung may tumira ba doon or baka nilamon na yun nang alikabok.
"Anong ginagawa natin dito?" Tanong nila nang mapahinto ako sa harap nang isang 2 story house.
"Dito ako tumira" Sabi ko at binuksan ang pintuan, to my surprise hindi ito nala lock. Wala namang masyadong mamahaling gamit dito bukod sa mga sofa na may nakapatong na puting tela.
"Wow" Rinig kong sabi ni Ashley.
"Dito muna tayo, oras pa kasi nang klase nila ngayon" Sabi ko, nakita kong tinanggal ni Kyle ang pagkakatakip nang tela sa sofa at doon sila umupo.
"Siguro bumili na muna tayo nang makakain, nagugutom na ako" Zyke tapped his stomach at natawa nalang ako.
"Sige ako nalang bibili" Sabi ko, may pera naman ako.
"Samahan na kita!" Mabilis na tumabi sa akin si Wayne, I almost rolled my eyes dahil nagsisimula nanaman siya. Sometimes I don't understand his treatment.
"Sama kami!" Puna ni Ashley at humawak sa braso ko.
"Dito nalang kayo boys, kami nalang dalawa ni Ash" Sabi ko, I didn't wait for his answer lumabas nalang ako nang mabilis para hindi na siya kumontra.
Naglakad kami ni Ash sa gitna nang araw habang tinatahak ang daan sa pinakamalapit na karinderya.
Actually katabi lang ito nang paaralan.
"Pabili po" Sabi ko at agad naman akong nilapitan nang server.
"Uy di ba ikaw si Mary?" Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nang babae. Hindi ko naman siya kilala e.
"Oo pero paano mo ko nakilala?" I ask softly.
"Bukambibig ka nang mga kumakain dito tsaka saan ka na pala nag-aaral?" Tanong niya na ipinagtaka ko. Hindi ko kasi sina kahit sino kung saan ako lumipat.
And the word bukambibig, nagtataka ako. Hindi naman ako sikat dito e.
"Ahh sa White Knights po" Sagot ko na lamang, naiilang na rin ako dahil ang rami niyang tanong.
"Ate Maritess! Pa reserve kami!" Natigil lang siya sa pagtatanong nang may malakas na boses ang sumigaw.
"Tumahimik nga kayo! Di ba oras pa nang klase niyo?Bakit kayo nandito" Sabi ni Ate Maritess.
"Baka maubusan kami..." sambit nang isang lalake at tumingin sa mga ulam sa harap niya.
"Oh sya mag hintay kayo may costumer pa ako rito" Bulalas niya at nakangiting himarap kami ni Ash.
Matapos naming mamili ay naka ngiti niyang senerve ang pagkain na inorder namin.
Hindi pa kami nakakalayo nang marinig ko ang boses nang babae, kinakausap niya yung mga studyante kanina.
"Oh talaga?Si Mary yun?"
"Si Pj hanapin niyo bilis!
"Teka lang balikan ko lang sa room"
Napa iling iling nalang ako nang marinig na ako pala ang pinag uusapan nila. I don't even have any idea kung bakit kilala nila ako and the guy they just called...Pj.
Hindi pa kami nakakalayo sa kanila nang makita namin si Wayne na tumatakbo papalapit sa amin.
"Oh Wayne anyare?" Tanong ni Ash naka hawak ang mga kamay niya sa tuhod at naghahabol nang hininga.
Pawis na pawis siya at basa rin ang buhok niya.
"M-May ta-tao sa ba-bahay!" Utal utal na sabi niya sapat lang para maintindihan ko.
"Paul! Wala si Pj sa room!"
Kumunot ang noo ko, nagulat nalang ako nang hilain ako ni Wayne automatiko akong napahawak kay Ashley kaya nahila ko rin siya.
Nang makarating kami sa bahay ay rinig na rinig namin ang tawanan sa loob. Nanlaki ang mata ko sa gulat dahil sa nakita ko.
Impossible.
YOU ARE READING
Mary Madison (UNDER EDITING)
Mystery / ThrillerStarted: July 2, 2021 Ended: November 24, 2021 You can read the English Version in Goodnovel