Chapter 32: What's with them?
Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas na kami ng bahay ni Wayne. Nakakahiya talaga yun.
Tahimik kaming lahat at walang imikan.
Nakatayo kami sa labas ng bahay niya. Ako na ang nagsimulang mag salita.
"Una na kami" Nilingon ko si Wayne. He was still shame dahil sa nangyari. Di ko naman siya masisisi.
"Sige. Ingat. Kayo" Sabi nito. Rinig ko ang pagtawa ni Zyke na ikinainis ko. Yung hiyang hiya ka na sa ate ni Wayne tapos dumagdag pa sila!
"Tara na" Nagulat ako ng hilain ni Kyle ang kamay ko. Sumunod na rin sina Ashley at Zyke.
Ang hirap ng sitwasyon kong to. Hindi ko naman hiniling na may magka gusto sakin no!
"Teka...si Zyke"-
"Dyan ka na umupo para di ka na lumipat pa" Sabi nito. Wala akong magawa kundi sundin siya.
Una naming hinatid si Zyke tsaka si Ashley. Nang kaming dalawa nalang ang naiwan ay para kaming hindi magka kilala.
Nakakabinging katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Mas nakakabingi pala ang katahimikan keysa maingay.
Nang makarating kami sa bahay nag paalam rin agad si Kyle na umalis. Pumunta muna ako sa kwarto ni Aleng Madelaine at tulog na tulog ito
Pumunta ako sa kwarto ko at humiga. Napapikit ako ng biglang mag ring ang cellphone ko.
"Nica?" Nagtatakang tanong ko sa sarili. Hindi naman tumatawag sakin yun. Ngayon lang.
"Bakit?" Tanong ko.
"Si Lolo andito. Ikaw ang hinahanap" Malungkot nitong sabi. Bumuntong hininga ako.
"Dapat ba akong pumunta?"
"Pangalawa na tong balik niya. Busy siyang tao kaya dapat talaga na pumunta ka" I feel bad for Nica. Hindi naman talaga lahat ng apo mahal ng lolo o lola nila. May ibang favoritism talaga.
"Sige pupunta na ako" Sambit ko at agad akong nagbihis.
Naglakad pa ako palabas ng village dahil private to at wala masyadong taxi.
Ang layo ng nilakad ko buti nalang nakakita agad ako ng taxi na masasakyan. Ilang minuto rin ang naging byahe ko dahil traffic.
Nang huminto na ang taxi sa bahay nila agad akong bumaba matapos mag bayad. Namangha pa ako dahil tatlong kotse ang andito. May mga guards pa sa labas. Napaka ilegante pala ng Lolo ni Nica.
Hinarangan pa ako ng mga gwardya pero nang sabihin ko ang pangalan ko sila na mismo ang nag hatid sa akin papasok.
Nasa office pa raw ang Lolo niya nakikipag-usap sa Daddy niya. Andito rin ang Mommy ni Nica na ang sama na ng tingin sakin. Galit na galit agad. Wala naman akong ginawang masama.
Umupo muna kami, katabi ko si Nica na nagtataka rin kung bakit nandito ang Lolo niya at ako ang hanap.
Actually isa din sa dahilan kung bakit ako pumunta dito ay may gusto akong itanong tungkol sa Lolo at Lola ko.
Malakas talaga ang kutob ko na kilala niya ang pamilya ko.
The way he asked for my grandparents name. Nakakapagtaka ang reaksyon niya.
Napaupo ako ng maayos ng lumabas mula sa isang pintuan si Sir Vescinzo at kasunod nito ang Lolo ni Nica.
Halatang nagulat pa ito ng makita ako. Lumapit siya agad sa akin ng nakangiti.

YOU ARE READING
Mary Madison (UNDER EDITING)
Mystery / ThrillerStarted: July 2, 2021 Ended: November 24, 2021 You can read the English Version in Goodnovel