Chapter 8

3 1 0
                                    

Chapter 8: Do me a Favor

Maaga kaming dinismiss ngayon dahil may meeting ang mga guro kaya mamaya pa dadating ang sundo ko.

Pumunta na muna ako sa convenient store para dun na muna tatambay.
Papasok na sana ako nang may humawak sa hawakan nang pinto kaya naka hawak rin ako sa kamay niya.

"Sorry" Sabi ko at binaba ang kamay ko. Hindi ko siya kilala pero halatang school mate ko siya dahil pareho kami nang uniform.

Akala ko ay papasok na siya pero pinagbuksan niya pala ako nang pinto nakayuko akong ngumiti sa kanya.

Weird.

Hindi ko nalang siya pinansin at nilibot nalang ang store at tumingin tingin sa mga pagkain.

Kumunot ang noo ko nang makita ko ang lalakeng naka uniform nang pang police may kasama siyang babae na hindi ko kilala dahil nakatalikod ito sa akin. Naka akbay pa siya sa babae.

Pero yung police kilala ko, si Velasco.
Siguro girlfriend niya?wait. Ano bang pake ko? E galit nga ako sa kanilang tatlo.

Napairap ako sa kawalan at kumuha nang isang cap noodles, nakaramdam ako bigla nang gutom.

Nang kuhanin ko na yun ay may kamay na pumatong sa kamay ko, nang tignan ko kung sino ito ay agad kon nakita ang mukha nung lalake kanina! Yung pinagbuksan ako nang pinto.

"Ako nauna" Sabi ko dah mukhang wala siyang balak bitawan ang kamay ko. Ngumiti siya at kumuha din nang isa. Marami naman pala at yung sakin pa ang kukunin tss.

Naglakad lakad pa ako at nag tingin tingin nang mga gamit pansin ko rin ang pagsunod sa akin nang lalake. Stalker.

Nang lingunin ko ay agad siyang nagtago pero naisip ko agad na i angat ang tingin ko, napangisi ako nang makita ko siya sa salamin sa corner nang store sa itaas. Andoon ang reflection niya na nakatingin pa sa akin.

"Bakit mo ko sinusundan?" Takang tanong ko, hindi ko naman kilala ang lalakeng to.

Lumabas siya sa pinagtataguan niya na nakapamulsa pa.

"Hindi kita sinusundan" nagulat ako sa pamilyar na boses niya. Siya yung sa music room siguradong sigurado ako!

Kumunot ang noo niya nang mapansin ang pagka gulat ko.

"Ikaw..."Ngumisi lang siya.

"Anong ginagawa mo dito?" I suddenly ask.

"Pake mo?" Maarte niyang sabi. Aba! Kani kanina lang ay sinusundan niya ako tapos ngayon, anong pake ko?

"Hoy Mr. Whoever you are looks like ikaw ang kulang sa pansin" Sarcastic na sabi ko at tinignan siya mula ulo hanggang paa.

.

"Tch" Inirapan ko siya at tinalikuran na. Nagulat ako nang pagharap ko ay may taong dala dala ang isang tray na may nakapatong na juice na nakalagay sa baso. Mababangga na sana ako sa kanya nang hilain ako pabalik ni Mr.WhoEverHeIs.

Napahawak ang dalawang kamay ko sa dibdib niya upang hindi tuluyang mapayakap sa kanya dahil sa lakas nang pagkakahila niya sa akin ay dikit na dikit ako sa kanya. Chansing siya.

Muli ay inirapan ko siya at tinalikuran na.

"Wag mo kong sundan Mr.Whoever you are" diing sabi ko sa kanya bago naglakad palabas.

"Uy hindi ka pa nagbabayad!" Ugh he's getting into my nerves! Talagang ipagsisigawan pa niya? Di ko naman to nanakawin ah, nakalimutan ko lang bayaran!

Bumalik ako at binayaran ang cup noddles nilagyan ko na rin nang hot water, dun nalang ako sa labas kakain tutal hapon naman na.

Umupo ako sa pinaka dulong upuan at mesa. Tahimik kong kinain ang pagkain ko mang may biglang umupo sa tapat ko. Siya nanaman.

Mary Madison (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now