Chapter 48

1 0 0
                                    

Chapter 48: Explained

“Ready ka na?”

“Tss, akala mo kung anong pupuntahan e no” Natatawang sabi ko kay Wayne ng sunduin niya ako dito sa bahay.

Actually nagpaalam na ako kay Lolo na sasabay nalang ako sa kanya. Mas kinakabahan ako kapag ako lang mag-isa at wala akong mapagsabihan.

Sumakay lang kami ng jeep ngayong araw. Sabi ni Wayne ay 10 AM daw dapat ay nandun na kami sa school.

Pagkarating bamin andun na pala ang dalawa. Si Zyke at Ash.

“Hindi ata tayo sisiputin nun, ginawa niya na at hindi malabong gagawin niya ulit” Sambit ni Zyke matapos ang halos isang oras naming paghihintay dito sa cafe sa katabi ng school.

“Hintay lang tayo ng mga 30 minutes tapos kapag wala pa rin, uwi na tayo” Sambit ni Wayne kaya sumangayon naman kami.

I wonder kung anong mga sasabihin ni Kyle. Actually miss na miss na namin ang lalakeng yun. Kapag talaga nagpakita yun samin ngayon baka mapuno siya ng mga pasa dahil gugulpihin namin siya, nakakainis siya.

“Si Kyle na ba yan?” Napalingon agad ako sa tinitignan ni Ashley.

May nakita akong lalakeng naglalakad patungo sa deriksyon namin. Naka all black sya may kasama pang black mask at cap.

Ang init init tapos balot na balot siya.

“Buti dumating kayo” Mahina niya sabi ng makalapit sa amin. Umupo siya sa tabi ni Zyke na katapat ko lang.

Lahat ng salitang gusto kong ibati sa kanya nawala nalang bagkos niyakap namin siya.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng lungkot. Parang natigilan ata siya sa inasta namin.

“Guys, sorry—

“Wag ka nang mag sorry hindi naman na mababago ang nangyari dahil lang sa sorry mo. Direct to the point. Anong sasabihin mo?” Naiinip na sabi ni Zyke. Zyke used to hangout with Kyle pero parang biglang nagbago nung hindi niya kami sinipot.

“Tanungin niyo ako ng kung ano, sasagutin ko honestly” Sabi niya. Marami akong hinandang tanong. Mga pag dududa ko sa kanya na siya lang makakasagot.

“One month ka na raw na wala sa condo mo? Bat di mo sinabi?” I asked consciously.

Napansin kong napalunok siya bago niya ako sinagot.

“Boss lang ng Tito ko ang nagbabayad dun ngayon naninirahan na kami sa boss niya tsaka hindi ko sinabi sa inyo kasi ayokong kaawaan niyo ako” He said in a monotone.

“Akala ko ba mayaman kayo? Bakit yung boss ng Tito moang nagbabayad—

“Nagsinungaling ako” Putol niya sa sasabihan ni Ashley. Kumunot ang noo ko sa pagtataka.
“Si Tito nalang ang pamilya” Sambit niya, napaawang ng bahagya ang labi ko. Bigla rumami ang tanong sa isip ko.

“Bakit hindi ka sumipot sa Valentine's day? Bakit di ka nag sabi” Napatingin ako kay Zyke dahil sa tanong niya. Napayuko si Kyle tsaka tumingin kay Zyke ng deretso.

“May problema lang sa baha—

“Bakit di ka nag sabi?” Tanong ko.

“Kasi...—

“Dahil ayaw mong kaawaan ka namin?” Prangkang sabi ni Wayne kaya lahat kami ay napatingin sa kanya.

He looked chill at walang makikitang pagtataka o inis man sa mukha niya.

“Hindi sa ganun, Hindi ko lang kasi kayang ipaliwanag” Sabi niya.

“E akala ko ba sasagutin mo ang mga tanong namin ngayon?” Bulalas ni Ashley. Pansin ko ring palaging nakasulyap si Kyle sa Relos niya.

Mary Madison (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now