Chapter 31

1 2 0
                                    

Chapter 31: Back to school



Weeks Later...


“Uy! Long time no see!”

“Parang years di nagkita ah ang OA niyo”

“Siguradong quiz na naman to. What happened to my vacation ang title”


Ang ingay ng room namin ngayon. Parang ang tagal nila di nagkita kita e para sakin parang isang araw lang yung bakasyon.

Graduate na pala kami next next month. Magiging busy na rin kami kaka practice nito. Medjo kinakabahan na ako, malapit na kaming mag perform.

“Mary”

“Oh?” Nagtatakang tanong ko kay Wayne. Bumalik na siya sa dati, kinakausap na kasi niya ako. Pero minsan talaga di ko siya maintindihan.

Dala lang ba yun ng selos?


“Oh” May binigay siya sa aking box. Isang shoe box.

“Ano to?” Nagtatakang tanong ko. Pa kamot kamot pa siya ng ulo.

“Box, malamang” Napairao ako sa sinabi niya. Kahit kailan talaga pilosopo to.

“Hindi ko kailangan—

“Mga rolled paper yan na gawa ko!” Nang akmang e babalik ko na sa kanya ang box ay itunulak niya ito sa akin.

“Ano namang gagawin ko dito?” Binuksan ko ito. Ang raming mga rolled paper na ibat iba ang kulay.

“Yan yung mga sinulat ko tungkol sayo since we met” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

“Since first day?” Gulat na tanong ko habang pinagmamasdan ang papel.

“Since First year” Nanlaki ang mata ko at tumingin sa kanya.

Hindi naman kami close kahit nung first year dahil magka-iba naman kami ng section. Ngayon lang kami naging classmate.

“Teka...ibig mong sabihin 4 years na to?!” Gulat na tanong ko, tumango siya sabay iwas ng tingin sa akin.

Nakakamangha lang dahil sa tagal ng panahon nagawa niya to.

Napangiti ako habang tinitignan ang mga papel.

“Bakit mo naman ginawa to?” Tanong ko.

“Ayaw mo?”

“Gusto 'no. Nakaka overwhelmed nga e” Nakangiti kong sabi.
“I mean bakit...”

“Kasi Gusto kita. Simple as that” Nginitian niya ako tsaka ako tinalikuran.  Palagi talagang pa iba iba ang upuan niya.

Ano ba yan. Hindi ko naman deserve to pero masaya akong may taong gumagawa ng effort para sakin. It makes me think that I'm special to that person.

Matapos ang klase as usual deretso music room kami kaso ang raming tao ng pumasok ako kaya lumabas ako at naabutan ko si Zyke na paparating.

“Hindi ba sinabi ni Wayne sayo?Sa bahay na muna tayo nina Wayne ngayon. May practice ang senior High” Paliwanag ni Zyke. Nasa likuran niya si Ashley.

“Ah sige” Sambit ko. Sumunod ako sa kanila, nag commute lang kami dahil wala ang usual service namin na sasakyan ni Kyle.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya ngayon siguro need niya lang ng time kung meron man siyang problema.

“Alam niyo ba bahay nina Wayne?” Biglang tanong ni Ashley. Nagkatinginan kaming lahat.

“Actually hindi” Sambit ni Zyke. Nasa loob na kami ngayon ng village nila.

Mary Madison (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now