Chapter 40

0 0 0
                                    

Chapter 40: Madielaine Evans Vescinzo

[THIRD PERSON'S POINT OF VEIW]

PABALIK BALIK si Madielaine sa paglalaka dahil sa pagka balisa. Sobrang naguguluhan siya sa nangyari.

Takot na takot siya na baka makuha ulit siya ng mga kalaban. Napahinto siya nang biglang bumukas ang pinto at bumugad sa kanya ang isang lalakeng naka suot ng uniporme ng isang pulis.

“Ikaw?” Takot na usal ng babae.

Tumawa lang ang lalake at lumapit ito kay Madielaine.

“Akala mo makakatakas ka na samin? Sabihin mo na kasi kung saan mo binigay ang kontrata!” napa atras sa takot si Madielaine. Kahit anong pilit niyang alalahanin ang lahat ngunit hindi niya talaga maalala.

Gustuhin man niyang ibigay ito para sa kaligtasan ng asawa niya ay hindi niya masabi dahil kahit siya ay walang alam.

Ang naaalala niya lang ay binigay niya ito sa kanyang magulang at ngunit kahit pangalan ng mga magulang niya ay hindi niya matandaan.

“Hindi ko nga alam! Pakawalan niyo na kami dito!” Sigaw ni Madielaine. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya.

Nilapitan siya ng lalake at marahas na hinawakan ang panga nito.

“Gusto mong patayin ko ang anak mo?” inis na sabi ng lalake.

Biglang nag-init ang ulo ni Madielaine. Hindi niya alam kung saan niya nakuha ang lakas niya at bigla niyang tinulak ang lalake at sinabunutan ito.

“Papatayin kita!” Paulit ulit na sabi ng babae habang sinasaktan ang lalake.

“AAHH!” Daing ng lalake. Sumigaw na rin siya ng tulong at buti nalang may pumasok agad na tauhan at tinulungan siya.

Inawat agad si Madelaine, dalawang lalake pa ang nakaalalay sa kanya. Naghahabol ng hininga ang lalake habang masamang nakatingin kay Madelaine.

“E kadena niyo yan!Bumalik na naman ang pagka baliw niya” Sambit ng lalake at inis na lumabas ng kwarto.

Dahan dahang nanghihina si Madelaine ng turukan siya ng dalawang lalake ng pampatulog.

Agad nandilim ang paningin niya at nawalan na ng malay.

Samantala...

Pumasok sa loob ang lalake at natagpuan si Paul at Pablo Dela Torre sa loob na nag-uusap.

“Wala pa rin?” Tanong ni Paul. Mabigat ang paghinga ng lalake at umiling ito.

“I guess we need to move into plan C” Sambit ni Pablo. Kumunot ang noo ng lalakeng naka uniporme ng pulis.

“Ngayon lang namin to napag-usapan” Sambit ni Paul.

“Tawagin ang buong tauhan at ipapaliwanag ko ang gagawin natin” Bulalas ni Pablo. Tumango agad ang lalake at lumabas na.

Tinawg niya ang buong tauhan. Na tipon tipon sila sa kwarto kung saan lagi silang tumatambay.

“Kung hindi talaga nila ibinigay, mapipilitan tayong lusubin sila” Tiim bagang sabi ni Pablo habang naglalakad sa harap ng mga tauhan nila.

Mary Madison (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now