Chapter 53 Everything will be alright
“Bakit?”
“Hindi ba delikado yung pinapagawa nila sayo?” Kausap ko ngayon si Wayne sa telepono, alas dose na rin at hindi pa rin ako nakakatulog dahil sa kakaisip ng mangyayari.
“Delikado, pero wala naman akong choice e. Kailangan ko tong gawin para makasama ko na ang mga magulang ko” I reasoned out. I heard him sighed.
“Wala na bang ibang paraan? Hindi mo kasi malalaman kung anong mangyayari baka mapahamak ka Mary” Alam kong nag-aalala lang siya sakin but I really need to do this.
“Wayne hindi mo kasi ako naintindihan e, kasi hindi mo naranasan ang mga naranasan ko” Medjo inis na sabi ko. Hindi ko kasi maintindihan kong bakit nangingialam siya.
“I’m just... concerned about you” Biglang humina ang boses niya. Bumuntong hininga ako.
“Wala ka namang dapat ipag-alala okay lang ako. And if ever something happens to me, wala ka na ron” I said. Ilang segundo na namayani ang katahimikan. Tinignan ko pa ang cellphone ko kung nasa linya pa ba siya.
“Okay...I understand. Pero sana naman e consider mo yung feelings ko sayo. Nag-aalala lang ako kasi ayokong mawala ka sakin. But yeah, that's your choice. I'm going to hanged up, Bye” Matapos ang mahabang litanya niyang yun ay hindi na talaga ako nakatulog.
Lumipad ang isip ko dahil sa kanya. He's making me feel guilty. Hindi ko naman sinasadya na masaktan siya.
Kinabukasan pumasok ako ng school at expect ko nang hindi niya ako papansin but I was wrong. Pinansin niya ako but.
Parang may kulang. Kinakausap niya lang ako na parang walang nangyari. Nakangiti pa siya habang kinakausap ako but not the usual smile that I see whenever he's with me.
Gusto ko sana siyang kausapin tungkol sa usapan namin kagabi but I always lose opportunity to talk to him.
Hanggang sa mag uwian hindi ko na siya naabutan. Malungkot tuloy ang mukha ko nang makauwi ako.
Hindi kami magkikita bukas dahil sabado at sigurado rin akong ngayon ko tawagan ang mga Dela Torre.
At wala na akong pagkakataon pang makausap siya kapag namatay ako dun.
Ngayon ko lang na realize na mali ako. Hindi ko pinansin ang pag-aalala niya sa akin. Hindi ko inalala na may taong nag-aalala sa akin.
Nakahiga ako sa kama habang pinagmamasdan ang cellphone ko na nasa kamay ko lang.
Ene-expect kong tawagan niya ako matapos ang mga salitang binitawan ko sa kanya.
Nang mag gabi ay tinawag na ako ni Lolo kasama yung nga pulis. Tatawagan ko na raw ang mga Dela Torre. Actual sobrang kinakabahan ako.
Hindi ko alam kung anong mangyayari.
Hawak hawak ko ang telepono habang ang mga pulis ay naghihintay sa aking tawagan sila.
Huminga ako ng malalim bago sila tawagan. Naka ilang ring bago nila sinagot.
“Oh, akala ko hindi ka na tatawag bata. Muntik na sanang mawala ang magulang mo” Napapikit ako as a tear fell from my eyes. Hearing his voice makes me curse at him.
“Nasa akin na” Tipid kong sabi. Hindi ko alam kung halata ba nila pero nanginginig ako ngayon sa kaba.
Narinig ko ang mahinang pag tawa nila.
“Okay. Dalhin mo samin bukas. E te text ko ang address” Natahimik bigla.
Napatingin ako sa kanila at nakita ko ang pag senyas sa akin ni Sir Velasquez, tumango lamang ako.
YOU ARE READING
Mary Madison (UNDER EDITING)
Tajemnica / ThrillerStarted: July 2, 2021 Ended: November 24, 2021 You can read the English Version in Goodnovel