Chapter 34

2 1 2
                                    

Chapter 34: Promises

Araw araw ay hindi ko pinapansin si Wayne. Masama ang loob ko sa sinabi niya kay Kyle. Hindi man lang niya naisip na tinuring siyang kaibigan ni Kyle.

Hindi ko rin alam na ganun na pala ang tingin niya kay Kyle. For me si Kyle makulit lang siya at minsan nakakainis. Pero hindi talaga sumagi sa isip ko na may gagawin siyang masama.

Nandito kami ngayon sa Music room matapos magpatawag si Zyke ng emergency practice at meeting. Nakakatuwa lang isipin na parang lider na lider talaga siya. Kinakabahan siguro.

“Guys! Asan na si Kyle?” Balisa ata kaming lahat ngayon. Bukas na kasi ang performance namin.

And we need a really final practice kasi marami kaming naging mali kahapon.

Si Kyle nalang ang wa rito and I suddenly look at Wayne. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin.

Napapaisip tuloy ako sa mga sinabi niya. Halos hindi ako makatulog kagabi kakaisip ng mga sinabi niya.

May problema lang talaga siguro si Kyle kaya wala pa siya rito. I can't just doubt him for unreasonable doubt.

“Usap tayo” Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Wayne. Naglakad siya palabas kaya sinundan ko siya. Wala pa naman si Kyle. We can't just start.

“Bakit na naman?” Tanong ko. Kinagat niya ang pangibabang labi at bumuntong hininga.

Ano na naman ang nasa isip niya?

“Galit ka ba sakin?” Napasinghap ako at tumingin sa kanya. Wala masyadong dumadaan dito sa hallway dahil nasa gym ata lahat nag de decorate.

“Bakit mo tinatanong?” Mataray kong sabi.

“Mary, hindi ko naman—

“Wayne wag na muna nating pag-usapan yung tungkol sa nangyari. May mas mahalaga tayong gawin ngayon, bukas na yung performance oh baka pwede isantabi mo muna ang inis na nararamdaman mo kay Kyle” Mahabang litanya ko. Tumingin siya sa akin.

“Pasensya na” Tumango lamang ako tsaka tinalikuran siya.

Nakahinga ako ngaluwag ng makita ko si Kyle na tumatakbo papalapit.
Tinignan ko si Wayne ngunit iniwas niya lang ang tingin niya sa akin.

[WAYNE]

Bumuntong hininga ako at umalis. Hindi niya talaga ako paniniwalaan. I just care for her bakit ba hindi niya maramdaman yun.

Pumunta ako sa garden ng school, mas nagiging kalmado ako kapag nakikita ko ang mga halaman at puno.

Dito ako nakakapagisip ng maayos.
Minsan kung masasaktan o nalulungkot ako dito ako napupunta.

Ako ang nauna pero bakit ako pa rin ang talo. Ang hirap hirap pala magkagusto sa isang tao na hindi ka gusto.

Ang hirap makita na nakangiti siya sa ibang lalake. Ang hirap kapag...alam mong ikaw yung tama pero yung mali ang pinaniniwalaan niya.

Simula pa lang ay masama na ang tingin ko dyan kay Kyle. He may be smile in front of people but in his eyes I saw how weird and mysterious his life is.

Ilang minuto akong nanatili sa lugar na yun at napag desisyonan ko nang bumalik sa music room. Lahat sila napatingin sa akin.

“Buti at dumating ka pa” Mary said while looking at me.

Hindi ko nalang siya sinagot at pumwesto na sa pwesto ko.

Mary Madison (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now