Chapter 47

1 0 0
                                    

Chapter 47 Betrayed

[THIRD PERSON'S POINT OF VEIW]

“Ano nang plano mo ngayon?” Tanong ng lalake kay Paul na siyang ikalawang namumuno sa Dela Torre Group.

Napasinghap siya tsaka napatingin sa kausap.

“Mas mabuti siguro na hindi nila tayo makita. Kunin mo ang cellphone ko at may gagawin ako, this shouldn't take long kailangan na naming makuha ang pera” sumangayon ang tauhan tsaka iniwan si Paul sa kwarto.

Matapos makuha ang telepono ay agad nagtungo si Paul sa kulungan ni Grayson Vescinzo.

Malamyang inangat ni Grayson ang kanyang tingin ng marinig ang pag bukas ng pinto.

Paul smirked while looking at the guy.

“Hindi mo ba talaga sasabihin?” Tiim bagang sabi ni Paul. Hirap na hirap man ay napangisi si Grayson.

“Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo—na hinding hindi niyo yun makukuha, walang sa inyo”

Kahit galit na galit na ay lumapit si Paul at nag dial sa teleponong hawak niya.

Nang sumagot ang tinatawagan niya ay agad siyang napangiti.

“Hello sino to?” Boses mula sa kabilang linya.

“May talk to Mary Madison?” Tanong ni Paul habang nakatingin kay Grayson. Si Grayson naman ay nanlaki ang mata sa gulat.

“Sino muna to?” Kunot noong tanong ng bata sa kabilang linya. Dahil sa inis ni Paul ay binantaan niya na ito.

“Ibigay mo na sa kanya ang telepono kung ayaw mong pasabugin ko yang ulo mo mula rito sa kinatatayuan ko, kitang kita kita bata” Dahil sa takot na rin ni Nica ay nagtatatakbo siya papunta sa kwarto ni Mary.

“Hello?” Nagtatakang tanong ni Mary.

Hindi sumagot si Paul at itinapat niya lang ang telepono sa tenga ni Grayson.

“Mag salita ka” Mahinang sabi ni Paul.

“A—anak—

Bago pa matuloy ang sasabihin ni Grayson ay kinuha na agad ni Paul ang telepono.

“Oh narinig mo na siguro ang boses ng iyung tatay, this is not the right time to be emotional ija. Hanapin mo ang contrata at ibigay mo sa amin kung ayaw mong hindi mo na makita ang pamilya mo—

“T-teka...sino to?”

“Mary anak! Wag kang pupunta!”

Dahil sa inis sinuntok ni Paul si Grayson dahilan para mawalan ito ng malay at rinig na rinig iyon ni Mary mula sa kabilang linya.

“Hanapin mo ang pinahahanap ko. Tawagan mo ang number na ito kapag nakita mo na, wag na wag mong sasabihin ito sa iba kung ayaw mong mawala sayo ang mga magulang mo” Pagkatapos sabihin ni Paul iyon ay pinatay niya na ang tawag.

Napatitig siya kay Grayson na walang malay.

“Kung sinabi mo lang simula palang, hindi to mangyayari sa inyo” Sambit niya tsaka lumabas ng kwarto ng kinatatayuan niya.

Mary Madison (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now