Chapter 44 The SecreTary
“Mary apo, alam kong malungkot ka ngayon. Kaya sa sabado nalang muna tayo aalis at pwede mong isama ang mga kaibigan mo kung gusto nila. Pangako ko sayo na matatapos rin ang lahat nang to at makakasama na natin ang magulang mo”
Yan ang bungad sa akin ni Lolo nang kumain kami sa hapag kainan kinabukasan. Hindi ako makapaniwalang sasabihin niya yun.
I really felt love here. Nararamdaman ko mang may pamilyang nagmamahal sa akin.
Sa susunod na bukas pa ang sabado kaya may time pa kaming mag stay dito sa bahay.
Siguro pupunta nalang ako nang school bukas para kunin ang results nang exam ko tsaka susupresahin ko ang mga kaibigan ko.
Siguradong nag e expect na yun na naka alis na kami.
Dumeretso ako sa graden ng bahay katabi lang nang pool nang matapos kaming mag breakfast. Ang ganda kasi nang tanawin dito nakakagaan nang pakiramdam.
Naramdaman ko nang may lumapit sa akin. Si Nica lang pala.
Umupo siya sa upuan katabi nung sakin.
“Ate Mary, sa tingin mo bakit parang hindi nag-aalala si Lolo nung sinabi nating may sumusunod sa atin?” Tanong ni Nica. Tinignam ko siya nang may pagtataka.
Nung gabing yun, hindi talaga nasagot ang katanungan namin. Sinabi ni Lolo na mas mabuting wala kaming alam. Wag daw kaming mag-alala.
Ewan ko kung anong ibig niyang sabihin dun.
“Hindi ko rin alam, Nica” Sagot ko sa kanya.
“Ang boring naman dito sa bahay” biglang sabi niya.
“Swimming tayo?” Biglang naging masigla ang boses niya ng tumayo siya.“Nica hindi ako marunong lumangoy” Naka poker face kong sabi sa kanya. Biglang lumungkot ang mukha niya.
“Oo nga pala ’no.— edi tutoruan kita!” Nakangising sabi niya. Napa iling ako habang nakatingin sa kanya pero hindi siya natinag.
“Sige na ate Mary! Marami namang bodyguards sa paligid oh, hindi ka malulunod promise” Tinaas niya pa ang kanang kamay niya.
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.
“Please?Matagal na akong si nakaka swimming e” Naka pout niyang sabi. Napasinghap ako at tumango na.
Para namang batang 7 year old si Nica dahil sa tuwa.
***
“Hoy Nica! Wag mo kong hawakan malulunod ako!” Taranta kong sabi, nasa gilid lang ako nang pool tapos tumabi siya sakin.
“Kaya nga kita hahawakan e!Para turuan kita lumangoy” Sabi niya pa. Umiling iling agad ako. Ayoko nang matutong lumangoy natatakot na ako.
“Ayoko nga! Baka malunod na naman ako” Sambit ko tinawanan niya lang ako.
“Sige na, may life saver ka naman oh tsaka wag kang mag alala naka hawak naman ako sayo” Sambit niya. Wala akong nagawa kundi sumunod nalang. Kahit na may nag away kami dati dahil dito bumalik pa rin ang tiwala ko sa kanya.
Tinuruan niya nga akong lumangoy pero di naman ako natuto. Lumapit pa nga sa amin yung ilang body guards dahil sa sigaw ko at tawa niya.
Sa huli, di talaga ako natuto.
Nica is not good at teaching.
Umahon na kami sa pool nang makita naming naka awang ang pinto sa may gate. Kumunot agad ang noo ko sa pagtataka.
YOU ARE READING
Mary Madison (UNDER EDITING)
Mystery / ThrillerStarted: July 2, 2021 Ended: November 24, 2021 You can read the English Version in Goodnovel