Chapter 5

7 1 2
                                    

Chapter 5: Meet the Grandparents

.

Dalawang oras ang nakalipas at nakarinig kami nang mga siren nang pulis. I'm nervous as hell. Maraming pwedeng mangyari kagaya nang mga nakikita ko sa action movies.

Pwede silang tumakas at isama kami. Pwede ring may masaktan. I hope none.

Nagkagulo sila at halatang balisa, buti nalang pala at hindi nakita nung lalake ang ilaw akala ko ay ako ang tinawag niya, yun pala ay si Nica na iyak nang iyak.

Bigla akong nakaramdam nang takot nang lumapit sa amin ang mga lalake.
Pinakawalan nila kami at mahigpit na hinawakan.

Nagpumiglas ako nang nagpumiglas hanggang sa nahawakan ko ang isa sa bonet nila at nahila ito. Nakita ko ang mukha niya. Gulat na gulat niya akong tinignan at hindi agad ako nakakilos nang bigla niya akong hinampas nang baril sa ulo.

Nakaramdam ako nang hilo at agad nawalan nang malay.

***

[VERONICA POV]

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong nawalan nang malay si Ate Mary at binuhat siya nang isa sa mga lalake. Wala akong nagawa kundi umiyak nang umiyak.

Nakakatakot sila, sasaktan nila kami at ano mang oras kapag hindi nag bigay sina lolo. Pwede kaming patayin.

Sigurado akong isa sila sa mga kalaban ni Lolo, alam ko namang mayaman sina lolo kung kaya't kinidnap nila ako para humingi nang pera.

But I don't think they get the right granddaughter. Hindi nila ako gusto, simula palang.

Habang marahas nila akong hinihila tudo sulyap naman ako sa mamang nagbubuhat kay ate Mary, hindi na dapat siya nadamay dito.

"Saan niyo kami dadalhin?" Biglang sabi ko matapod akong matauhan.

Sinakay nila kami sa isang van tinabi nila sa akin si ate Mary, naiiyak akong tumingin sa kanya nang may nakita akong tumulong dugo sa noo niya.

"Ate Mary" Balisa kong sabi habang umiiyak. Naririnig pa rin namin ang serin nang mga pulis pero mukhang hindi nila kami naabutan.

Di kagaua kanina ay wala nang takip ang mata ko kayat malaya kong napagmamasdan ang daan.

Umandar ang van at wala akong nagawa kundi umiyak.

Tahimik akong umiyak sa gilid nang van habang hindi tinitignan ang dumukot sa amin. I saw one of their face.

Pinunasan ko ang luha ko at binalingan nang tingin si Ate Mary, nakakaawa siyang tignan. Malakas ang paghampas sa kanya nang baril kaya nawalan siya nang malay.

Muntikan na akong sumobsob nang biglang mag break ang driver.

"Anong nangyari?!" Giit agad nang isang lalakeng katabi namin, sa tingin ko ay siya yung tinatawag nila kaninang boss.

"May humaharang" Sabi nang driver. Napatingin rin ako sa harapan at ganun nalang ang tuwa ko nang makilala ko ang isa sa kotseng nasa harapan.

The symbol of our surname is written on the front of the car. Dumating sila. Dumating si Lolo.

"Mag handa kayo, mukhang mapapalaban tayo" Nakakapangilabot na sabi nang boss nila at nakangiti akong sinulyapan.

Mary Madison (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now