Umalingasaw ang amoy-masangsang.
Biglang-bigla, pumalibot at bumalot ang baho sa buong bahay. Napansin din ito ng mga tiyuhin at pinsang nasa labas.
Nakakasuka. Nakakasulasok.
Parang may bangkay na nabubulok.
Mas matindi ito kaysa amoy-maysakit ni Vic na makakasanayan ng ilong kung tumagal.
Tumawa ang demonyong nasa katawan ni Annalyn. "HAHAHAHAHA!!" tuwang-tuwa ito sa ginawa.
Maluha-luha ang mata nina Jennalisa at Andrea sa tapang ng amoy na nalanghap. Nanigas naman sa kinatatayuan si Jon Ronald, ang tanging nagawa lamang ay magtakip ng ilong.
"Ambaho-baho mo!!" sinabi ng diyablo sa pari. "Napakabantot ng ugali mo!! Hahaha!"
Hindi ito pinansin ni Felix. Alam na alam niyang ito'y pawang panliligalig lamang ng kaaway, para guluhin ang kanyang isip.
Kinuha ng exorcist sa kanyang dalang bag ang krus at Roman Ritual. Kadarating pa lang niya, pero inumpisahan agad ng diyablo ang laban.
Takot na takot si Jon Ronald, hindi makagalaw sa kanyang kinalalagyan.
Bumaling sa kanya ang dalaga, malaahas tumingin, at ito'y nagwika. "Diya-annnnn ka lang... sa puwesssto mo... Huwag kang aalisssss..."
Lalong kinilabutan ang pinsang lalaki, sapagkat kinausap siya ng diyablo.
Nagtanda ng krus ang exorcist. "Sa Ngalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo. Amen."
At kanyang sinimulang bigkasin ang mga nakalimbag na panalangin ng exorcism sa Roman Ritual.
Humalakhak lamang ang demonyong nasa dalaga. Ito'y nagpapahiwatig na walang bisa ang ginagawa ng pari.
Hindi natinag ang exorcist, at maugong itong nag-utos.
"Sa Ngalan ng Panginoong Hesukristo, ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, lumayas ka kay Annalyn!!"
"Ayokoooohhh!!!" tahasang sumuway ang kaaway. Kasabay nito, nag-amok ang dalaga. Hinablot lahat ng maaabot na bagay, at ibinalibat kung saan-saan. Ipinukol niya sa dingding, ibinato niya sa sahig.
At pagkalipas ng ilang saglit, limang lalaki ang umaawat sa dalaga. Humahawak sa kanya sina tiyuhing Eduardo, Napoleon at Ronaldo, pati na rin mga pinsang Glenpaul at Vino.
Hindi alintanang maaari rin silang makagat katulad ni Jon Ronald.
"Putangina n'yo!! Mga puta kayo!!!" ipinagsigawan ng sinasapian.
Iginupo nila si Annalyn sa sahig, subalit nagpupumiglas pa rin ito. Hindi nila lubusang masupil ang nagwawalang dalaga. Nagagawa pa rin nitong makawala kahit anong higpit ng kapit.
Sobrang manlaban at makipagbuno.
Takang-taka si Felix.
"Bakit sobrang lakas ng maysapi?" tanong ng pari sa isip.
Hindi nakialam si Jon Ronald, parang paralisado. Nanood lang siya sa nangyayari. Sa sobrang takot, sinunod niya ang inutos sa kanya na huwag umalis sa puwesto.
"Sa Ngalan ni Hesus, magtigil ka! Demonyo!" inutos ng kura, at natigilan ngang bahagya si Annalyn. Hindi makakilos, pero pinipilit pa rin nitong kumawala at sumuway sa utos.
Muling binigkas ni Felix ang mga panalangin ng exorcism, subalit pinagtawanan lang siya ng diyablo.
Kanyang binasbasan ng holy water ang sinasapian, pero biglang uminit ang balat nito. Napaso ang mga humahawak na kamag-anak, at madaling natuyo ang tubig.
Dumalangin ang exorcist. "Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya... ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo... bukod kang pinagpala sa babaeng lahat... at pinagpala naman ang iyong anak na si Hesus."
"Ikaw ang magtigil, inamo!!!" Lalong nagwala't nagalit ang dalagang sinasapian.
"Santa Maria, Ina ng Diyos..." patuloy ng pari. "Ipanalangin mo kaming makasalanan, ngayon at kung kami'y..."
"Mamamatayyy...kayong lahat!!!" sabat ni Annalyn. "Papatayin ko kayong lahat!!!"
Bumaling ang dalaga kay Jon Ronald, galit na galit, at nagwika.
"Uunahin kita!! BABAERO— 'yan ang tawag sa'yo ng mga bakla kapag nilalandi ka nila!!! Sinong nagpapatsupa sa bakla pag nalalasing?? Sinong tinitira ng bakla sa puwet pag nalalasing?? HAHAHAHAHAHAHAHA!!"
Sinagot ng demonyo ang sarili nitong tanong.
"—Si Jon Ronald!!! HAHAHAHAH!!!"
Nagimbal sa pagbubunyag sina Jennalisa, Eduardo, Napoleon, Ronaldo, Glenpaul at Vino. Narinig rin ito ni Andrea, ngunit hindi lubusang naunawaan ng bata.
Hindi pinakinggan ng pari ang mga binanggit na kasalanan. Pumasok sa isang tainga, lumabas agad sa kabila.
Naramdaman ni Jon Ronald, sa pagkakataong iyon, na pinasukan siya ni Satanas.
"Hoy! Paboritong pinsan ni Ann, ilan nga ba ang babae mo?? Ilang babae na ba ang nahindot mo??" dugtong ng demonyo, ayaw pa rin tantanan si Jon Ronald.
"Wala!! Hahahahaha!! Pawang mga bakla ang pinapatulan mo!!!"
Hindi alam ng pinaratangan ang gagawin, namumutlang parang nakakita ng multo. Hindi nakasagot sa diyablong naghayag ng kanyang mga malalaswang kasalanan.
Kaya't tumakas si Jon Ronald palabas ng bahay. Tumakbo palayo. Hiyang-hiya sa mga mahahalay na gawa.
"Hoy! Duwag! Bumalik ka rito!!" tuya ng diyablo.
ITUTULOY
BINABASA MO ANG
EKSORSISMO: Annalyn ng Sirang Lupa
Horror[COMPLETED] The story follows the series of exorcisms performed by a Catholic priest on a possessed young woman, Annalyn, as hell was unleashed upon her family. This is written in Filipino language.