KAPITULO XLVI: SA BUNGANGA NI ANN

577 33 1
                                    

Dumadagundong ang pinto.

THUD! THUD! THUD! THUD! THUD!

Todo-bayo.

THUD! THUD!

Kung sinuman ang dumadabog sa pinto, sobra ang pagkapoot nito.

"Sino ka?" tanong ni Felix sa nambubulabog. "Magpakilala ka."

Naghintay sila ng halos isang minuto, ngunit walang nagsalita mula sa kabila ng pinto.

Dumabog lang ito nang dumabog, sa halip na kumatok nang mahinahon.

Nahalata ni Felix na wala itong balak magpakilala, kaya't nagpasya siyang bumigkas ng malakas na utos, ibinulalas sa nambubulabog.

"Sa ngalan ni Hesus, lumayas ka! Magtungo ka ngayon sa paanan ng krus! Kung saan mo haharapin ang maghuhukom sa iyo!"

Agad huminto ang dabog at dagundong.

Bumaling ang pari sa ibang gumagawa ng alingasngas.

"Kayong nasa kisame at pumapalibot sa tahanang ito, sa ngalan ng Panginoong Hesus, magsipulasan kayo sa oras na ito, at magpatirapa sa paanan ng krus!"

Sa isang iglap, naglaho ang kaluskos sa kisame at mga yabag ng paa sa paligid ng bahay.

Pagkapangyari nito'y sininghalan ni Annalyn si Felix.

Galit na galit.

Sapagkat ang diyablo ay bigong sidlan ng takot ang exorcist.

At kabaligtaran pa nga ang nangyari.

Sa halip na mangatog at kumarimot ng takbo palayo, napiga ng pari ang pangalan nitong maruming espiritu.

Alam ni Felix, na mas mapapadaling palayasin ang diyablo kung uutusan ito sa pangalan.

Sa kanyang mahaba't malawak na karanasan, nagigipit ang demonyo kapag binabanggit ang pangalan nito habang itinataboy.

Tinanong ng exorcist ang diyablo. "Ilan kayong nariyan?"

"Hindi mo kami mabibilang!"

Naunawaan ni Felix na 'kumpulan' madalas ang mga demonyo sa isang sinasapian — subalit may isa o iilang bigatin ang siyang namumuno sa lahat, o tinatawag na 'ulo ng ahas'.

At ang mga bigatin ay siyang palaging huling napapalayas.

Sa kasong ito ni Annalyn Narciso, ang ulo ng ahas ay si Beelzebub.

"Kailan pa kayo nariyan kay Annalyn?"

"Wala kaming sasabihin!" sumusubok pa rin itong sumuway. "Hindi niyo ako mapipilit! Puta ka, Babae!"

"Sa ngalan Hesus, sagutin mo ang tanong, Beelzebub!"

"Aaaaaahhhhh!!! Putang ina mo!!!!!" Namilipit sa sakit ang maysapi. Pinipilit itikom ang bunganga, ayaw ibigay ang hinihinging tugon.

"Uulitin ko, kailan pa kayo nariyan kay Annalyn?!"

Nagsalita ang diyablo kahit labag sa kalooban.

"Uuuuhhhrrrmmmm.... Matagal na kaming labas-masok sa putang Ann na'to!"

"Saan kayo dumaan?" dugtong na tanong ng kura.

"Aaaarrrrggghhh... Sa bunganga ni Annnnn!"

"Paano kayo pumasok? Anong paraan?"

Nagwala bigla si Annalyn habang hawak ng mga kamag-anak. Nagngangalit ang mga ngipin, umaangil na parang mabangis na hayop.

Kanilang kinasusuklaman ang mga katanungan. Naghihimagsik sa exorcist.

Maitutulad ang maysapi sa bihag na ginugulpi't inuusig para ibigay ang mga importanteng impormasyon.

Parang dinidikdik na sapal hanggang lumabas lahat ng katas.

"Paano kayo pumasok kay Annalyn, Beelzebub? Sabihin mo sa akin!"

Umamin ang diyablo.

"Isinugo kami ni Virgin—yaaaaahhhhh!!"

Sinundan ito agad ng kung ano-anong nakakagulantang na paratang.

"Parang lagaan ng tae ang bibig nitong si Annnnn! Napakarumi, nakakadiri— ang bunganga ng putang ito!! Bukod sa tsumutsupa... sumusubo, kung kani-kaninong burat!"

"Nagkakalat ng kabastusan at katarantaduhan, kung ano-anong pagmumura't kalapastanganan ang sinasabi ng putang ito tungkol sa Amo mong Nasa Taas!!"

"Malala ang bunganga ni Ann!! Pinuputukan ang loob ng malapot na tamod, nilulunok pa nga! Busalan n'yo ng burat ang bunganga nitong si Annnnn!!"

"Lumuluhod lang si Ann tuwing tsumutsupa! At lumalapat lang ang tuhod niya sa sahig kapag binabarurot nang patuwad!"

Ang mga pinagsasabi'y hindi pinagtuunan ng pansin ni Felix.

"Ang Birheng Maria ang nagsugo sa'yo??" nagugulumihanang usisa ng exorcist.

Hindi ito sinagot ng kaaway.

Sa halip na tumugon, nagsiwalat pa ito ng ginagawa ni Annalyn kapag lango sa alak.

"Si Annnnn... pagkatapos ng walwalan... kantutan naman sila ng kainuman! Tuwang-tuwa kapag nadidiligan... iniihian pa nga.. naihian na si Ann ng iba't ibang lalaking lasing!!"

"Sagutin mo ang tanong, Beelzebub! Sinong nagsugo sa'yo?!"

Pigil na pigil itong nagsalita. "Sugo nga ako ni Virgin—yaaaaahhhhh!!"

"Ng Birheng Maria??" Lalong nagtaka't napaisip ang pari.

Humalakhak ang demonyo. "HAHAHAHAHAHAHA!!"

Lubhang naguluhan si Felix, kaya't lumihis siya ng tanong.

"Kailan ninyo lilisanin si Annalyn?"

"Hindi kami aalis! Hindi mo kami mapapalayas!!"

"Ikaw na sinungaling mula pa nu'ng unang-una! Sa ngalan ni Hesus, magsabi ka ng totoo!"

"Nagsasabi ako ng totoo! Putang ina mo! Hindi ako mapapalayas!"

"Mula nuon hanggang ngayon," himig ng diyablo. "Mula ngayon hanggang dulo, akin ang putang 'to! Akin si Ann!"

"Inuulit ko, Beelzebub, kailan ninyo iiwan si Annalyn?!"

"Hindi ako mapapaalis! Hindi ko pakakawalan si Ann hanggang huli! Tunay ang sinasabi ko sa iyo!"

Natigilan si Felix. Muling nagulumihanan.

Lalong nalito.

Napuna iyon ng tusong demonyo, kaya't sinamantala niya, nag-umang ng mapaghamong salita sa exorcist.

"Nais mo akong magwika ng katotohanan, Felix? Pauunlakan kita."

Huminahon ang tono ng diyablo, at nagpahayag sa banyagang lengguwahe.

"Siete puertas de la puta."

ITUTULOY

Ang susunod na kapitulo'y ilalabas sa Martes, 30 Nobyembre 2021.

EKSORSISMO: Annalyn ng Sirang LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon