KAPITULO LXIX: PAUBAYA

478 19 0
                                    

Sa oras ng ikapitong eksorsismo, ikaanim ng Disyembre, Miyerkules ng umaga, muling tumapak sa Sirang Lupa si Padre Felix.

Tirik na tirik ang sikat ng araw, at ito'y naglalagablab sa dakong iyon ng Calamba.

Madalang rin ang ulap sa mga oras na yaon.

Kaya't tagaktak ng pawis ang kura habang pinagbubuksan ni Andrea ng tarangkahan.

Walang umiihip na hangin.

Umaaligid sa bukid ay mainit na singaw mula sa tigang na lupa.

Tumutulo sa noo, butil-butil ang nasa leeg at batok, habang basang-basa naman ng pawis ang likod ng pari.

"Parang sinisilaban ang lugar na ito," puna ni Felix.

Walang patid ang nararanasang matinding init.

Lumipas ang ilang sandali, ang exorcist ay nasa bahay na ng maysapi.

Habang dumiretso naman agad si Andrea sa tinitirhan ng Inay Lourdes. Nauna nang ilipat ro'n ang kanyang paralitikong tatay.

Samantala, sa kabilang lugar, isinuot ng kura ang istola, at kinuha ang krus at holy water.

"Panginoon, gabayan Mo ako," bulong ng exorcist. "Pagpalain Mo po ang aking pagsusumikap."

Nasisilip nitong pari si Annalyn mula nang siya'y pumasok ng bahay.

Tulala itong maysapi, nakaluklok sa isang upuang nasa sulok. Magulo ang buhok. Nangangalumata't mukhang hindi natulog magdamag. Tila wala rin pakialam sa eksorsismong gaganapin.

Naro'n din sa pagdarausang lugar si Jennalisa, pati na rin sina Eduardo, Ronaldo, Napoleon at Vino.

Ilang sandali ang lumipas, inilipat nila si Ann mula sa sulok papunta sa gitna.

"Mag-ingat kayong magumon sa katakawan at paglalasing at mabuhos ang inyong isip sa mga intindihin sa buhay na ito," panimula ng pari.

Dagling sinidlan ang dalagang maysapi ng pagnanais lumandi. Gustong humarot. Bigla na lang kumati, at kailangan niya itong kamutin.

"Kaya't tayong lahat na narito, magkaro'n ng ganap na pagsisisi, at humingi ng kapatawaran sa Panginoong Diyos," paalala ng pari. "Ang landas ng krus ang siyang tanging daan upang makamtan ang kaligtasan."

Nagsalita pa siyang muli. "Ito mga kaibigan ang dapat ninyong hintayin, sinabi ito ni San Pedrong alagad ng Panginoong Hesukristo. Sikapin ninyong matagpuan ang Diyos, kayong nakaugat sa kapayapaan, walang dungis at kapintasan."

Nagpatuloy ang pari.

"Ngunit nababatid natin na ginagamit ng Diyos ang lahat para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa Kanya na tinawag Niya ayon sa Kanyang pasya."

Nagtanda ng krus ang kura. "Sa ngalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo. Amen."

At siya'y nag-umpisang manalangin.

"San Miguel Arkanghel, iligtas mo kami sa panganib, maging aming sandigan laban sa kasamaan at panlilinlang ng demonyo. Isinasamo namin na puksain nawa siya ng Diyos, O Prinsipe ng mga Hukbo sa Kalangitan, sa kapangyarihan ng Diyos, itapon sa impiyerno si Satanas at ang lahat ng masasamang espiritu na umaaligid sa mundo at nagtatangkang ipahamak ang mga kaluluwa. Amen."

Ramdam na ramdam ni Annalyn na mayroong kumislot sa loob niya.

Bumabangon ang mga masasamang espiritu.

Biglang natabunan ang kagustuhang lumandi at humarot dahil dagling sinidlan naman ang dalaga ng pagnanais gumawa ng mahalay.

Sukdulan sa kalibugan.

Ramdam na ramdam niya ang kiliti sa kanyang pagkababae.

Subalit hindi ito karaniwang malaswang hilig, o masidhing pagnanasa, o pita ng laman.

Ito ay tuksong isuko ang kaluluwa't katawan sa diyablo.

Nais ni Ann pilasin ang damit at maghubad upang magpagahasa sa mga masasamang nilalang.

'Paubaya sa diyablo,' ika nga.

"Lahat ng mga banal sa langit," dugtong ng exorcist. "Ipanalangin n'yo kami."

Pagkasabi ni Felix nito, tuluyang napukaw ang napakaraming demonyong nagtatago sa loob ni Annalyn.

Libo-libong nilalang. Pulu-pulutong.

Hindi mabilang.

Laksa-laksang pangkat pa nga marahil.

Silang lahat na mga sinungayang nilalang ay nasa ilalim ng kapangyarihan ni Beelzebub.

ITUTULOY

EKSORSISMO: Annalyn ng Sirang LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon