KAPITULO XXIII: TAKAS SA IMPYERNO (3/4)

669 31 0
                                    

Nagpakaligaya nga si Annalyn.

Huntahang walang humpay kasama ang mga kainuman.

Sunod-sunod ang lagok. Nagpakalunod sa alak.

Nagliwaliw. Naaliw. Nagpakabaliw.

Umalingawngaw sa gabi ang ingay ng kasiyahan.

Nang tumagal-tagal at nakarami ng inom, may 'amats' na si Annalyn, at nagsimula itong magyabang.

"Binilhan kami nina tito at tita ng alak sa swimming tapos nung pauwi na, nilabas na lahat, pinatimpla at pinainom sa amin magpipinsan. At ako lang naman, Nalyn-Ann, ang inutusan magtimpla bwahahaha itatanggi ko pa ba na marunong ako kung alam naman nila. Hahahahahaha!"

Kaya't sa mga handaan, bukambibig lagi ng pinsang si Trisha— "Ikaw naman ang pasimuno, Ate Ann."

"Si Annalyn ang madalas mag-aya sa kanilang mag-inom," ang saloobin ng ibang kamag-anak.

Ang binuo niyang reputasyon ay sugapa sa alak — nangungunang parang mauubusan.

"Kaya ko magpanggap na di lasing kahit masuka-suka na! Haha!" ipinagmalaki ni Annalyn. Sinabi na niya ito nuon, alas singko ng madaling araw, sa isang inumagang inuman, pero binanggit ulit sa mga bisita ni Jon Ronald.

Silang mga kaibigan ni Jon Ronald, lalo na ang mga lalaki, ay walang pakialam kung si Annalyn ay napapabalitang sinasapian at may sayad. Ang mahalaga sa kanila ay may kaumpukang gusto rin magbarek.

At isa pa, alam sa buong Sirang Lupa na itong pinsan ng kanilang kaibigan ay malandi at marupok. Intresado silang masaksihan kung gaano ito katotoo, lalo kung lasing.

Parehong inaamin at itinatanggi naman ni Annalyn ang kanyang karupukan.

"HAHAHAHAHAHA!! Di lang 'to marupok sa chat online na 'yan, putrages, pag nagkita na, tapos na usapan!" inamin nuon ni Annalyn kay Via na isang kaibigan sa unibersidad.

"Hahahahahahahahaha! Puta! Hahahahaha!!" napahagalpak at napamura na lang si Via.

Pero nu'ng Pebrero onse, sa nakaraang kaarawan ng kanilang Inay Lourdes, habang nag-iinom ang mga tiyuhin, nagsumbong ang isang pinsan kay Annalyn.

"Ang mga tiyuhin natin, nag-iinom du'n sa bahay ni lola. Nagsisigaw ng 'marupok', pati ikaw binanggit."

"Bakit naman ganon?" sagot ni Annalyn. "HAHAHAHA!! Mga wala kayong patunay!!"

Habang nalilibang sa pagyayabang ang dalaga, nakaramdam siya ng 'kung ano-anong' pumasok sa kanya.

Pero hindi niya ito pinansin. Walang tigil pa rin ang pagpapakasaya't pagyayabang.

Kahit ang mga bisita ni Jon Ronald, wala silang napuna kay Annalyn.

Sobrang nagkakatuwaan, at mga 'senglot' na.

Mayroong sumanib kay Annalyn, subalit hindi nagpahiwatig ng kahit anong palatandaan ang dalaga.

Parang walang nangyari.

Tuloy lang ang inom ng dalaga. Hindi alintana ang pumasok sa kanyang mga demonyo.

Ang KAPUTOL ng kapitulong ito ay nasa SUSUNOD NA BAHAGI.

EKSORSISMO: Annalyn ng Sirang LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon