KAPITULO LVIII: LANGO PERO HINDI LULONG

556 23 0
                                    

Niyakap ni Jennalisa nang mahigpit si Andrea para kumalma. "Panaginip lang 'yun. Tahan na, anak."

Nang humupa ang pag-iyak, tumayo ang ina at nagsabi sa bunso. "Subukan mong matulog ulit. Masyado pang maaga para bumangon."

Kinumutan ng nanay ang anak at hinagkan ito sa noo, bago lumabas ng silid.

Pagkaalis ng ina, nakahigang muli sa kama si Andrea, ngunit ayaw pumikit. Natatakot at baka makita na naman ang halimaw sa kanyang pag-idlip. Naglalaro sa isip niya, "Masamang panaginip lang ba talaga yun? Kasi parang tunay."

"Pumasok ba yung itim na may sungay sa panaginip ko?" tanong ng bata sa sarili. "Kasi parang nagpapakita siya kahit sa pagtulog. Bangungot lang ba talaga yun?"

Sa tabi ng bunso, nakabulagta ang nakatatanda nitong kapatid. Humahagok. Lupaypay, walang malay.

Hindi na muli nakatulog si Andrea. Mulat hanggang umaga.

Dumungaw lamang si Jennalisa saglit sa silid ng magkapatid upang alamin kung nakauwi na si Annalyn. Nagkataon namang umuungol si Andrea, parang binabangungot, kaya't ginising niya ito.

Sumilip siya kung naro'n ang dalagang anak sa kuwarto, sapagkat gabi-gabi na lang ito'y umuuwi galing sa inuman.

Tuwing dumarating sa bahay, ito'y sobrang lasing. Walang palya.

Apat na magkakasunod na pagkagat ng dilim, si Annalyn at ang mga kaumpukan ay nag-aambagan.

Nagpapatak-patak sila ng barya-baryang pambili ng alak.

Tama si Napoleon nang sabihin nito kay Jennalisa na 'si Annalyn ay nasa bahay ni Marites at nag-aayang mag-inom'.

Ang nangyari nu'ng nagdaang gabi, pagkatapos mag-ambagan, sa bahay ni Marites duo'y nagkumpulan sila.

Hindi kilala ni Marites ang mga lalaking niyaya nina Jon Ronald at Annalyn. Pero pamilyar siya sa mga babaeng naro'n — Ella, Via, Erika, Cheska, Angelica, Arianne, Krista, Karen, Charisse at ang tinatawag nilang si 'Bong Gaga' na babaeng titibo-tibo pero bakla magsalita.

Ang laman ng kanilang huntahan — mga hinaing sa buhay.

Mga babae ang dumadaldal. Kaylalakas ng boses. Iba't iba drama ang naulinigan ni Marites.

"Kinakain na naman ako ng kalungkutan putangina," sabi ni Arianne.

"Paramihan ng maling desisyon sa buhay," pakli ni Angelica.

"Kanina ayos lang ako, kaso may nagsulsol lang guho na naman ako pukingina," dumaing naman si Via.

"Pwede bang pakiugali na kung mag-iinom, bawal magselpown?" reklamong mataray ni Erika. "Nakakaabala kayo e."

"Paraluman daw, parang palamura lang ata ako," patawa ni Karen.

"Gusto ko ng balot," walang kinalamang sagot ni Ella.

Walang kamalay-malay si Napoleon na pumuslit ang anak niyang babae na si Diozel. Pumaroon din sa bahay ni Marites.

Dumating ang alak, at nag-umpisa ang inuman.

Ang usapang hinaing sa buhay ay napaltan ng kung anu-anong kalandian at kabastusan.

"Hmmm puro na naman ako pasa."

"Marahas sa kama ang jowa mo bes?"

"Ay oo! Haha. Sagad na sagad nga ako. Sobra."

"Landi nang landi? Sungalngalin ko kayo ehh."

"Kati ng tatts!!! Nagbabalat na syaah.. pero mas makati ako, di ako papatalo hehe"

"Sa sobrang kilig ko, nahubaran ko na yung upuan ng kotse ni Jas putangina HAHAHAHAHAHA sori bes, mapagkamalan ka pa ng kuya mo may tinotnak ka sa car."

EKSORSISMO: Annalyn ng Sirang LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon