She hates being on the crowd..
So she stays right on the corner,
She hates being the center of attraction...
So she keeps her distance and avoid people,
She hates embracing the spotlight,
So she faces darkness.
Lastly, she hates love,
'Cause they fed her sorrows and pain.
On exact date, July 4, bundles of pain suddenly came in her life that lead her life to the worst.
***
Magagandang palamuti at ingay ng paligid ang sumalubong sa'kin pagdating ko sa lugar na pinagtatayuan ng food stall nila Gwyneth. May bagong bukas kasi na food hub malapit sa lugar nila kaya naman they took that as an opportunity para i-tayo 'yung stall nila. Samu't saring klase ng pagkain ang in-o-offer nila. Mayroong Korean, Japanese, Italian, Thailand, and Chinese delicacies. I must say, bongga na rin 'tong food stall nila among the other food stalls. May-ari kasi ng restaurant ang mga magulang niya, that's why.
"Chelsea, iha! Come here, buti't nakarating ka." Masiglang bati sa'kin ng mommy ni Gwy nang makalapit ako sa store nila. Tinigil muna saglit ni Tita 'yung ginagawa niya at lumapit sa'kin para makipag-beso sa'kin.
I smiled at her. "Siyempre naman, Tita. Palalampasin ko ba 'tong paandar niyo dito?" Sabi ko pa nang nakalapit 'yung bibig ko sa tenga niya dahil masiyadong malakas 'yung tugtog dito. May mga banda rin kasing tumutugtog.
Pang hakot customers, gano'n.
"O'siya, maiwan muna kita kay Gwy. Dudumugin na kami mamaya ng customers." Tumango na lang ako at iniwan niya na rin ako. Maya maya pa'y nagulat ako nang akbayan ako ni Gwy at hapitin palapit sa kaniya.
"Hi, Chelsea the pussy! Akala ko hindi ka pupunta kasi broken ka,"
"Boba. Hindi pa kami break, nagkakalabuan pa lang." Sagot ko pabalik.
"Tse, ganu'n na rin 'yon." She replied.
That caught me off guard.
I don't know what to feel, she could be right. Mukhang break-up nalang talaga 'yung patutunguhan ng relasyon namin ng boyfriend ko.
"Eto naman, joke lang! Ayos mukha! Kaya ka nga nandito, eh. Halika't kumain muna tayo. 'Di mo deserve mag-mukmok d'yan." Wala na 'kong nagawa nang hatakin niya 'ko at pumwesto kami sa may gilid ng stall nila. Siya na 'yung kumuha ng food for us. Lahat yata ng klase ng pagkain kinuha niya, para daw ma-try ko lahat.
"Taste test lang ang peg?" I asked her. Natatawang tumango na lang siya.
Gaya nga ng inaasahan ko ay masarap naman lahat ng pagkain nila. As in, walang tapon! Mabuti nalang talaga kaibigan ko 'to si Gwy, kundi magbabayad pa 'ko ng mahal.
Gipit pa naman ako ngayon.
Kung bakit ba naman kasi lahat na yata ng kamalasan sa mundo, nakuha ko na.
Abala kami sa pag kain nang tumunog 'yung phone niya. Bigla niya 'yong pinatay at tinago sa sling bag niyang dala.
I looked at her and she faked a smile before looking away.
I could sense that she's not okay. I can tell it just by looking at her. Halos takasan ng kulay ang mukha niya. 'Yung maaliwalas na mukha niya kanina ay namutla ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/279959082-288-k576338.jpg)
BINABASA MO ANG
Fourth of July
General Fiction"If loving you is a crime, then I'll be your primary suspect." - Gabriel Keilev Coronado.