CHAPTER TWENTY-FOUR

9 1 0
                                    

HER POV

Naalimpungatan ako nang may maramdaman akong dumadampi sa leeg ko. Agad akong napadilat at tumambad sa'kin ang mukha ng isang doktor at sa tabi nito ay si Ma'am Victoria.

Kapwa sila napangiti nang makitang gising na 'ko.

"How are you feeling, iha? May masakit pa ba sa'yo?" Tanong ni Ma'am Victoria.

Mabilis kong iniling ang ulo ko at hinanap ng mata ko si Gabriel. Nilusob na naman ng takot ang dibdib ko. Kailangan ko nang makaalis dito.

Hindi ako safe dito. Pwedeng mamatay na lang ako bigla dito.

"Nawala na ang pamamaga ng leeg niya. But I suggest na mag-compressor pa rin siya para mas mapadali ang pagkawala ng sakit no'n." Sabi pa ng doktor na sinusuri ang leeg ko.

May mga sinabi pa siyang kung ano-anong dapat kong gawin pero ni isa doon ay wala akong tinandaan. Isa lang ang nasa isip ko ngayon, ang makaalis dito.

Pero alam kong malabo 'yon.

All I need to know for now is that what's really happening to Gabriel. Bakit sa isang iglap ay hindi niya 'ko maalala. Imposible namang nagbibiro lang siya dahil kitang-kita ko sa mga mata niya ang galit. Tsaka, muntik niya na 'kong mapatay.

Saglit akong lumingon kay Ma'am Vic. Hinatid niya na sa labas ng kwarto 'yung family doctor nila. Lumingon siya sa'kin at nag-tama ang mga mata namin. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala habang nakatingin sa'kin.

"You need anything? Are you hungry?"

"Gusto ko na pong umalis.." mahinang usal ko.

Alam kong hindi dapat ako panghinaan ng loob, at 'yung nangyayari na 'to ngayon ay posibleng parte ng misyon ko.. na baka may malaman pa 'ko sa tunay na pagkatao ni Gabriel. Pero hindi ko maiwasang hindi matakot.. sa kaniya.. para sa sarili ko.. sa mga taong naka-paligid sa'kin.

Hindi naman 'yon ma-i-aalis sa'kin. I don't know them that much, except the fact that they're Coronados. Technically, related sila sa misyon ko. At alam kong may malalaman pa 'ko.

Na mabibigyang linaw lahat ng katanungan at takot sa isip ko.

"Iha.. just stay here for a while, are you scared?"

Dahan-dahan akong tumango. Totoo naman kasi.

"I see. I understand.. anyway, let's go. You need to eat, I'll talk to you later." Hindi na lang ako umimik hanggang sa alalayan niya akong tumayo. Ngayon ko lang rin napansin na naiba na pala 'yung damit ko, malinis na damit ang ipinalit nila sa'kin.

"Dahan-dahan, iha." Bulong pa sa'kin ni Ma'am Vic. Nang madaan kami sa may salamin ay hindi ko maiwasang mapalingon at nakita kong may bakas pa rin ng pagkakasakal 'yung leeg ko.

Nang makababa kami sa may dining area ay nandoon ang Daddy ni Gabriel at agad niya 'kong sinalubong at tinanong kung okay na daw ba ako. Simpleng tango na lang ang iginawad ko sa kanila.

Umupo na 'ko sa may dining katapat ni Ma'am Vic.

"Finally, you're awake. You must be very hungry. Don't worry, I cooked something for you." Nanigas naman ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang boses niya. Parang lumusob 'yon sa pagkatao ko.

Unlike his deep and demonic voice that he used to has, now I could hear his soft and angelic voice. May suot siyang apron at nag-ha-handa ng pagkain. Binigyan niya ako nang matamis na ngiti.

Kung sana hindi lang nangyari 'yung naganap kahapon, baka kinilig ako sa pag-ngiti niyang 'yon. Pero ngayon puro takot na lang ang nararamdaman ko.

Fourth of JulyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon