CHAPTER TWENTY-THREE

13 0 0
                                        

THIRD PERSON's POV

"If I have to cause harm in this whole town, I'd fucking do it. I will never let anyone stand in my way!" Giit ng isang lalaking naka-suot ng tuxedo. Sa tabi niya ay mga kalalakihan rin na naka-suot ng tuxedo gaya niya.

May mga sigarilyo sa bibig ang ilan sa kanila at ang iba naman ay nagkakasa ng baril.

Nanatili lang siyang nasa isang sulok at pinapanood ang nangyayari sa malawak na likod-bahay nila. Gustuhin man niyang lumapit ay hindi siya makaalis sa kinatatayuan niya.

"Nasa'n na 'yung pinapadakip ko sa inyo?"

"He's awake, boss." Sagot nung isang naninigarilyo.

Malakas namang tumawa ang lalaki. Malalim ang pag-tawa niya na para bang isang demonyo.

"Good. Now, bring him here. I want to see him."

"Areglado, boss." Sagot nung isa at tinapon ang sigarilyo at inapakan 'yon hanggang sa mamatay ang apoy.

Kumunot ang noo niya dahil sa pagkalito. Hindi niya maintindihan ang nangyayari ngunit nakakaramdam siya ng takot. Hindi siya makaalis para tumakbo palayo.

Hanggang sa nakita niyang may bitbit na isang lalaki ang mga naka-tux kanina. Hindi gaya nila, naka-puting polo shirt ito at lupaypay ang katawan dahil sa mga pasa at sugat sa mukha. Kung hindi ito inaalalayan ng mga lalaki ay malamang bumulagta na ito.

"Siya na ba 'yon?" Tanong ng boss nilang tinatawag at nakangising nakatingin sa lalaking ngayon ay bitbit ng mga tauhan niya. "Oo nga, ano? Sa wakas.." sumilay ang kakaibang ngisi sa labi niya at pagkatapos no'n ay muli niyang binalingan ang mga tauhan niya.

"Boys, you know what to do." Sa isang tango lang niya ay mabilis pa sa alas-kwatro na kumilos ang mga lalaki. Agad nilang pinaupo sa may mahabang upuan ang bihag nila at itinali ang mga paa't kamay.

May busal din ito sa bibig kaya naman hindi niya na magawa pang pumalag o makapag-salita.

"Alright. You may leave now, boys. I'll beat him into pulp by myself." Utos nung boss nila. Tumango ang mga lalaki at malalaki ang hakbang na umalis sa harapan niya.

Nakita niyang umupo ang "boss" at pinantay ang mukha niya sa may lalaking ngayon ay naka-upo. Halos hindi na ito makilala dahil sa natamo nitong sugat. Puro dugo na rin ang dumadaloy sa bibig nito dahil putok ang labi nito.

"Pasensya ka na, ha? Hindi naman talaga ako masamang tao, eh. But, I have no choice. And this is the last ace I have to be able to save myself." Mahinang usal nung "boss" at pinaglalandas pa ang dulo ng baril sa mukha nung lalaki.

Mahinang pumapalag ang katawan ng lalaki mula sa inuupuan niya. Pero tinatawanan lang ito ng kaharap niya.

"See what you had to go through? Kung sana hindi ka nangielam, kung sana hindi mo 'ko binangga. E'di sana kasama mo pa ang pamilya mo ngayon. Kaso hindi.. epal ka kasi. Tingnan mo tuloy ang dinanas mo."

Tumayo na ang lalaki at inayos pa ang coat niya.

"Pero hindi ko hahayaang madungisan ang mga kamay ko. That's why I have someone to do my work for me.." Pag-kuwan ay lumingon siya sa kinaroroonan ng isang lalaking kanina pa nag-ma-matyag.

"Come out now, young man. Come here."

Napalunok ang lalaki at nagda-dalawang-isip pa kung susunod ba siya o hindi. Pero wala na siyang nagawa. Natagpuan niya ang sarili niyang naglalakad palapit sa lalaking tumawag sa kaniya.

Fourth of JulyMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon