CHAPTER THIRTY-NINE

4 0 0
                                    

HER POV

It's been a week since Helwinn and I talked. After noong celebration ng birthday ko sa pad ng kambal ay hindi na ulit siya nag-paramdam sa'kin.

Hindi niya 'ko tinetext, tinatawagan o chinachat man lang. I get it that he's busy, kabi-kabila rin kasi ang projects niya at mga endorsements, pero noon naman kahit gaano pa siya ka-busy, he would always lend me a spare of his time.

Ayaw niya raw kasing nag-aalala ako.

But now, he seems distant.

Kapag tinetext ko siya, hindi siya nag re-reply. Kapag tatawagan ko siya, mag ri-ring lang saglit 'yung phone niya tapos mamamatay na. Madalas pa ay cannot be reached siya or out of coverage area.

I hate to admit that I somehow miss him. I mean, of course I do. He's my best friend. Kapag ganitong wala akong kaalam-alam sa nangyayari sa kaniya, hindi ko maiwasang hindi mag-alala.

"Where are we? Sorry, ang tagal akong kinausap ni Pres." Sabi pa ni Ced nang maka-balik siya sa table namin. Tinago niya na muli 'yung phone niya at humarap sa'kin.

Nandito kasi kami sa library ng park. Hindi ko alam kung bakit dito niya napiling makipag-kita. Samantalang bawal mag-ingay dito. Hindi tuloy ako makadaldal nang maayos!

"Ano'ng where are we? Akala ko ba may sasabihin ka?" I rolled my eyes at him. He just chuckled. Hindi pa kasi kami nakakapag-usap dahil right after we got here, Pres called him.

Kinuha niya muli ang envelope sa kamay ko at tiningnan 'yon. "So, tungkol sa Ate mo-"

"Eliza Jane." I scoffed. "Let's just call her by her name."

He just smirked and shook his head. "O..kay, so as I was saying, Miss Eliza Jane is now going down. After what had happened on press con, wala nang tumanggap na big companies kay Eliza. May mga namba-bash sa kaniya, may ilang brands na rin ang nag ca-cancel ng project for her. Nga pala, another thing, alam mo bang nagpa-interview pa 'yan?"

"Pakelam ko?"

"Mata mo naman!" Pinitik pa niya 'yung noo ko kaya naman napaigtad ako. Agad kaming nasenyasan na huwag maingay at lumabas na lang kung mag-iingay lang kami.

"Harot kasi." Bulong ko pa. "Oh, continue nga."

"Akala ko wala kang pake?" Sagot niya.

"Umuwi na kaya ako?"

"Eto na, eto naman.." Natatawa pa rin siyang nilabas ang laptop niya at sinaksakan 'yon ng earphones. Sinenyasan niya 'kong tumabi sa kaniya at inilagay ang isang earphone sa tenga ko, ang isa naman ay sa kaniya.

He clicked something on his laptop at tumambad naman doon 'yung interview ni Eliza.

It was released three days after the pasabog sa press con had happened.

"Miss Eliza, we all have seen and watched the press conference. Ano po'ng masasabi niyo sa nangyari?" One of the media asked.

Naka-tutok lang sa kaniya ang camera. She's wearing shades but her attire was something plain.

"First of all, I would like to defend myself. Lahat po ng sinabi ng babaeng 'yon sa press con ay walang katotohanan. Gusto niya lang akong pabagsakin."

"What about the evidences, Ma'am? How can you explain those?"

Eliza fixed her glasses and forced a smile. "Who knows? Maybe she used some people to be her accomplice. Baka nga edited lang din 'yung mga pinakita niyang evidences."

Edited, my ass!

Wala na nga siyang kawala, pinipilit pang takasan!

"But Mr. Gabriel Coronado was there also. He stood for Miss Chelsea."

Fourth of JulyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon