CHAPTER FORTY

5 0 0
                                    

HER POV

Ilang gabi na 'kong hindi pinapatulog nung nalaman ko. And until now, wala pa rin akong natatanggap na balita sa kaniya. Hindi ko naman na siya magawang bisitahin muli dahil may pagka-ilang na sa'kin.

Nagtataka na rin ako sa sarili ko. Noon naman kapag inaasar kami ng ibang tao ay wala lang sa'kin. Hindi ako naaapektuhan. Pero bakit ngayon, may epekto na 'yon para sa'kin?

Kaya ba hindi siya nagpaparamdam sa'kin dahil may nararamdaman na siya?

Pero ano ba naman 'yung sabihin niya sa'kin at maging tapat siya 'di ba?

Sa inis ko ay napapadyak na lang ako at napasabunot sa buhok ko. "Nakakainis naman!" Sigaw ko pa.

"Teh, ang likot mo. Itusok ko kaya 'to sa lalamunan mo?" Pagbabanta pa ni Ely na kumakain ng chichow.

Nag-kita kasi kami rito sa open park para lang mag-chikahan at kumain ng street foods. Mabuti raw at wala siyang masiyadong ginagawa kaya nasamahan niya 'ko.

Abala siya sa pag-tusok pa ng chichow nang mag-salita ako. "May gusto sa'kin si Helwinn."

"Ah," Maikling sagot niya at kumain na ulit.

Gusto ko siyang itulak dahil sa reaksyon niya pero nangangamba naman ako dahil masalaksak ng stick 'yung lalamunan niya.

"Ano 'teh? Wala man lang reaksyon?"

"Tanga. Obvious naman na kasi. Ikaw lang 'tong manhid." Sagot niya pa tapos ay babayaran na sana 'yung kinain niya nang lumingon siya sa'kin. "Bayaran mo nga muna, buo pera ko."

"Ano tingin mo sa pera ko, wasak?" Napailing na lang ako at 'di kalaunan ay nag-bayad na rin. Tuwang-tuwa ang gaga dahil naka-libre na naman daw siya.

Sa may swing kami umupo pagkatapos niya kumain. Laking pasalamat ko nang makaupo na kami, kanina pa kami nakatayo! Kay tagal niya kasing kumain, 'di matapos-tapos. Ta's ako pala pagbabayarin.

Kung 'di ko lang kailangan ng kausap ngayon, 'di ako magpapa-budol dito, e!

"Nag-kausap na ba kayo ulit?" Tanong niya sabay himas sa hita ko. Naka-shorts lang ako kaya nakiliti ako, agad kong tinampal 'yung kamay niya.

Lovers' swing pa naman 'to! Baka mamaya akalain nila mag-jowa kami.

"Hindi pa. Though pinuntahan ko nga siya sa studio, 'di ba? E ayon nga, nakasagap lang ako ng chismis na ganu'n nga!"

"'Di pa naman pala official na nag co-confess e, ay pero alam mo obvious na talaga 'yon noon pa. Pinag-uusapan nga namin ni Cedrick, pansin namin na iba 'yung tingin sa'yo nung kaibigan mo na 'yon. Manhid ka lang talaga." Mahabang litanya niya.

Nag-kibit balikat lang ako. "Malay ko ba."

"Ayaw mag-girlfriend 'di ba? Tsaka naiinis kamo sa'yo sa tuwing irereto mo sa iba. E gago, kung ako man 'yon, talagang maiinis ako dahil sa kamanhidan mo."

"'Wag mo na 'ko sermonan okay? Ang gulo na nga ng isip ko eh. Una, si Gabriel.. tapos ngayon si Helwinn." I sighed and looked at her.

"Apakaganda mo naman. Gusto mong sabunutan kita? E'di ikaw na! Sa lahat ng Maria, ikaw ang pinaka-pinagpala sa lahat." Natawa na lang ako sa sinabi niya.

Kung tutuusin, sa ibang aspeto talagang nakaka-inggit 'yong sitwasyon ko dahil dalawang lalaki ang nagkakagusto sa'kin. Una, si Gabriel Keilev na CEO ng ilang kompanya. Pangalawa, si Helwinn Brix na sikat na actor-model.

Pero for me, hindi siya nakaka-inggit at all. Naguguluhan na 'ko! Ni hindi ko alam kung ano nang gagawin ko. Kung dapat ba may i-entertain ako, or balewalain ko pareho.

Fourth of JulyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon