CHAPTER FIFTY-THREE

5 0 0
                                    

#HER POV

Kanina pa 'ko nakasunod sa babae habang hawak-hawak ang dibdib kong ang lakas ng kabog. Anytime by now ay pwedeng kumawala ang puso ko sa ribcage nito. I don't have any idea where the hell are we. Nakabuntot lang ako sa kaniya. I couldn't even utter a single word, okupado ng mga unanswered questions ang isipan ko.

At last, nakarating kami sa isang pribadong kompanya. Nilabas niya ang susi ng sasakyan at may pinindot doon. Muntik na 'kong mapatalon sa gulat nang tumunog ang kulay abo na sasakyan sa gilid ko.

"Sorry about that," she chuckled as she slid the keys on her pocket. "Hintayin mo na lang ako rito. Kukunin ko lang 'yung gamit ko sa office."

"Okay.." Saad ko. Wala na akong sinayang na oras pa at mabilis na pumasok sa sasakyan niya. Vanilla ang amoy ng loob ng sasakyan niya at sobrang linis. Mukhang brand new car pa 'to.

I took my phone out and to my susprise, puro notifications 'yon galing kay Elysha. She's been calling me and texting me ever since I left the hospital.

Napangiti ako sa huling text niya sa'kin.

Kumalma na raw si Cedrick at ngayon ay kasama na niyang kumakain.

That was a relief. Kahit papaano ay panatag na rin ang loob ko. I smiled on that thought. I didn't bother to send her a message, itinago ko na ulit 'yung phone ko at tahimik na hinintay si...

Shoot! I didn't even know her name!

Kung kasama ko lang si Cedrick ngayon ay nakatanggap na ako ng kurot doon. Magagalit pa 'yon at sasabihin na hindi ko naman kilala pero sumasama ako.

Good thing he's not here.

Besides, I'm doing this for him. Masiyado na siyang maraming nagawa para sa akin. I think it's time for me to repay his kindness.

Maya-maya lang ay nakita kong lumabas na ng building ang babae at sumakay na sa loob ng sasakyan niya-- sa tabi ko. Nilagay niya muna 'yung mga folders at bag niya sa backseat bago nag-simulang mag-drive.

Ang kaninang nakakatakot niyang hitsura ay nagbago na. Wala na siyang makapal na eyeliner at hindi na busangot ang hitsura niya.

"Done checking me out, Miss?"

"Sorry.." I whispered.

She turned the radio on and began to talk. "Let's grab some snacks first. Doon na tayo mag-usap." She said and I obligingly nodded. "By the way, I'm Chantalle."

"Chelsea."

"Great. So ano ka ni Anderson?"

'Anderson' huh? First name basis? I wonder why she knows him. Ayoko namang itanong at baka mag-mukha akong usisera.

"He's.. my friend's cousin."

"So, ano ka nga niya?" She asked again. Prolly not satisfied with my answer.

"I'm his client.. supposedly," Mahinang usal ko.

Tumango na lang siya at ngumiti sa akin. Sa isang gas station kami tumigil. May pancake house doon at napili niya raw 'yon dahil madalas siya rito nag me-meryenda.

Tahimik lang akong nakasunod sa kaniya hanggang sa makakuha na kami ng pwesto. Siya na rin ang pinaorder ko kung anong kakainin namin, she kept on asking me ano raw ang sa akin pero sabi ko na lang ay kung ano ang kanya, 'yun na lang din ang akin. Tsaka, hindi naman ako nandito para mag pancake date with her. I badly needed to talk to her, ask her about every details that she knows.

Kung kinakailangang pigain ko siya nang pigain para lang paulanan ako ng mga impormasyon ay gagawin ko. And I swear to God, I won't stop until I finally know who killed Anderson.

Fourth of JulyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon