CHAPTER FIFTY-FOUR

15 0 0
                                        

#HER POV

Libing na ngayon ni Anderson kaya naman kapwa kami naka-puti nina Elysha at Cedrick. Nakilala na rin namin ang lola at nanay ni Anderson. Of course, they were shocked. I mean, who wouldn't?! Matapos kong ipanood sa kanila 'yung footage ng cameras ay halos mang-galaiti rin sila sa galit dahil sa ginawang pag-patay kay Anderson.

"Sobrang bait niyang anak ko na 'yan.." Mahinang usal ng nanay ni Anderson.

"Truly he was, Tita." Pag sang-ayon ko pa. Kanina pa niya paulit-ulit sinasabi 'yan habang yakap-yakap nang mahigpit ang picture ni Anderson na naka-frame pa.

Nilingon naman namin ni Elysha si Cedrick na nasa tabi ng lola ni Anderson. Kanina pa inaalalayan ni Cedrick ang lola niya dahil sobra rin ang naging iyak nito. Halos mag-lumpasay siya kanina! Akala namin kung mapapaano na siya.

Matapos ang halos kalahating oras na seremonya ay nag-uwian na rin ang mga tao. Ngunit nanatili kami rito ni Elysha kasama ang pamilya ni Anderson.

"Sure ba kayong mamaya na kayo uuwi?" Cedrick asked us. For the nth time.

I smiled and tapped his shoulder. "Oo, 'wag mo na kaming intindihin."

"Sabay naman kami uuwi eh." Dagdag pa ni Ely.

I scratched my nape and looked at her.

"Bakla, 'wag mo sabihing tatakasan mo na naman ako? Kaloka ka, palagi ka nalang hindi mahagilap ah." Reklamo pa niya na ikinatawa naman nang mahina ni Cedrick.

Hindi pa kasi ako bumabalik kina Elysha. Sa mansyon na 'ko nagpalipas ng gabi at nagkita-kita lang kami rito sa sementeryo. Hindi ko pa rin kinukwento sa kaniya kung saan ako galing at ano'ng ginawa ko noong umalis ako ng bahay nila.

Ang balak ko kasi ay hindi ko muna sasabihin sa kanila kung saan ako galing. Although I saw something sa paper bag ni Gabriel, na pwedeng maging solid evidence.. I couldn't bring myself to stick my nose into those. I mean, it's not that ayokong aksyonan 'yon.

It's just that.. ayoko muna.. hanggat hindi pa 'ko hundred-percent sure kung siya ba 'yung nasa video.

Ang shinare ko lang sa kanila ay 'yung footage, but other than that.. wala na.

Wala pa.

"Maiwan ko muna kayo, ladies. Ihahatid ko lang sina Tita." Paalam samin ni Cedrick. Tumango na lang kami at nag-hanap ng malamig at malilim na pwesto. Tirik na tirik din kasi 'yung araw eh, kahit naka-tent kami, ang init ng singaw!

But, hindi naman kami nahirapan mag-hanap ng pwesto dahil may mga areas dito na pwede talagang tambayan. Kahit picnic-an pwede.

"So, ano na teh? Hindi ka sa'kin uuwi?" Tanong ni Elysha sa'kin matapos uminom ng Zest-O.

"Tirador ng Zest-O, amp." Natawa lang siya at inirapan ako. "Hindi muna. May aasikasuhin ako."

Tinapunan niya ako ng tingin na parang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. "Doon ka na naman sa totoo mong shota? Alam kong dalawa kami, pero 'wag mo naman akong pabayaan."

"Isasalaksak ko sa lalamunan mo 'yang straw ng juice."

"Yown! Deep throat.. straw version." Natatawang sabi ng gaga.

Iniling ko na lang ang ulo ko. Hindi na niya ako nilubayan kakatanong kung ano'ng ganap ko for today. Halos yugyugin niya ako sa tuwing tatahimik ako at titingin lang sa malayo.

Nag da-drama pa siya na hindi ko na raw siya mahal at may iba na 'kong bff. Siguro raw ay kay Chantalle na 'ko nag-chichika ng mga chismis. Nag-hanap pa ng quote sa google ang gaga tungkol sa fake friends. Baliw talaga.

Fourth of JulyMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon