HER POV
Nang makarating ako sa coffee shop na pag-kikitaan namin ni Cedrick ay agad na 'kong nag-tipa ng message na nandito na 'ko. Nag-reply naman agad siya ng like.
Tiningnan ko ang sarili ko sa screen ng phone ko at inayos ang sarili. I'm wearing jogger pants and fitted cropped-top, inalis ko na rin 'yung rubber band sa ulo ko at tinago 'yon sa bulsa ko. Nag-jogging kasi ako nang maaga kaya dito na rin ako dumeretso.
Um-order na ako ng para sa'min ni Ceddy. I ordered hot fudge choco and pancake rolls for us. Hindi naman siya aangal dito. He sent me a message na nag p-park na lang daw siya ng sasakyan.
This time, ako naman ang nag-like.
Agad akong napatingin sa pintuan nang pumasok na si Ceddy. Natawa pa 'ko dahil parehas pa kami ng outfit. He was wearing Bench jogger pants and branded shirt. While me, Nike naman ang brand ng suot ko.
"Are we promoting different brands here?" He laugh and sat in front of me.
Hindi na siya nagpa-ligoy-ligoy pa agad na sinimulang sabihin kung ano ang dapat ibahin sa misyon ko.
"First and foremost, I'll be removing your earrings recorder. Just use your phone for the meantime to record everything." Sabi niya pa at nilabas 'yung phone niya matapos ay may pinindot siyang kung ano doon na siya namang tumunog ng 'click' ang earrings ko.
He leaned closer to me and removes my earrings.
"Bakit?"
"Nag-notif na sa phone kong mapupuno na 'yung capacity ng recorder. May limit lang 'yan na sinusunod. I-li-lipat ko muna sa laptop ko lahat ng nanggaling dito para mas maayos, tapos ibabalik ko na sa'yo.."
Tumango na lang ako at sumimsim sa kape ko.
"Isa pa, nakakasama ng loob 'yung kalandian na naririnig ko rito. Parang dinuduldol sa'kin na hindi ako anak ng Diyos.." Maarte pang sabi niya na para bang maiiyak na talaga siya. Natawa na lang ako at umiling.
Kung tutuusin, magaan na rin para sa'kin na wala 'yung earrings na 'yon dahil hindi ako makapag-headset. Dahil maaapektuhan 'yung noise no'n.
Nang ma-i-ayos niya 'yung earrings ay nilagay niya 'yon sa bulsa niya at muling hinarap ako. "As I was saying, we need to change the mission's motive. Kasi may kulang talaga, e.. hindi kumpleto. Feeling ko may mas mahalagang impormasyon ang dapat mo pang alamin."
Nakikinig lang ako nang maayos sa kaniya habang nagsasalita siya. May tiningnan siya sa phone niya at kinabit ang wireless headset niya do'n.
"As stated here that he has ADHD. And he has this condition of alter or other personality na nag-re-reflect sa behavior niya. Well, to be honest, his case is mild, that was a good thing. Dahil na-co-control pa. Besides, when we say mild condition of that case, once na mag-trigger 'yan at umatake ulit, usually it will take couple of years bago ulit mangyari. And I'm pretty sure that by then, you're no longer his personal maid, you're no longer his "pretending wife", and by then, who knows? Promoted ka na in higher job position in Doniego Pub Company." Nakangiting paliwanag niya sa'kin.
Napangiti naman din ako nang maisip ko 'yung mga posibleng mangyari sa hinaharap, o kung ano 'yung naghihintay sa'kin right after I finished this job.
Finally, I'll be able to get the promotion that I know I deserve.
But, why does it feels like this? Why am I feeling this way? This is strange. Parang may parte sa'kin na nalulungkot kapag naiisip kong once na matapos ko 'tong misyon ay wala na kaming komunikasyon ni Gabriel.
Bakit ganito? He's just my mission after all.
I shouldn't feel this way.
It has to stop. Hangga't maaga pa.
BINABASA MO ANG
Fourth of July
Художественная проза"If loving you is a crime, then I'll be your primary suspect." - Gabriel Keilev Coronado.