#HER POV
"Happy birthday, lalamoves ko!" Masiglang bati ko kay Winn nang sagutin niya ang tawag ko sa FaceTime.
Pupungas-pungas pa siya at nahuli ko pa siyang humikab. "Too early, Cheliza." Iritable niyang sagot.
Hinintay ko talagang mag-12 AM para ako ang kauna-unahang bumati sa kaniya. Besides, he's too busy dahil nasa Los Angeles siya para sa foreign movie na ginagawa niya.
"Tingin mo yata magka-tulad ang oras natin eh."
I rolled my eyes at dumapa sa kama ko. "Aba, kahit na! 12 AM dito sa Pinas, oras dito ang susundin ko. Tsaka ang busy mo kaya!" Reklamo ko pa.
Pakiramdam ko tuloy ang dami-dami ko nang na-miss out na kaganapan sa buhay ni Helwinn. It's been months.. I think? Simula noong huling beses kaming mag-kita. Ni hindi ko nga alam na nasa abroad na pala ang loko!
Last week ko lang nalaman, kung hindi ko pa nakasalubong sa daan 'yung isang staff ni Direk ay hindi ko malalaman na may ginagawang foreign film siya! Hindi man lang kami nagkita bago siya umalis ng bansa.
Nakakatampo.. dati halos kapag uutot lang 'yung isa, alam na agad ng isa eh. Ngayon ang dami na naming hindi alam sa buhay ng isa't-isa.
"Ang laki na ng tampo ko sa'yo.." Mahina kong bulong nang makita kong bumagsak ang talukap niya. He must be really tired.. patulog pa lang daw kasi siya.
He's been really very busy. Sana lang ay hindi niya pinapabayaan ang sarili niya.
I was shocked nang muli niyang idilat ang mga mata niya. A smirk formed on his lips. "Alam ko.." He sighed and hugged his pillow. "Date tayo mamaya?"
"Paano?" Takang tanong ko sa kaniya.
"Virtual date muna. Babawi ako sa'yo 'pag-uwi ko."
Pinapadyak-padyak ko pa 'yung paa ko pero agad na natigil 'yon nang tumama 'yon sa dulo ng kama. Napangiwi naman ako sa sakit at narinig ko ang pagtawa ni Helwinn.
"Tanga,"
"Kelan ka ba kasi uuwi?" I asked him.
"Ito naman. Wala pa nga sa kalahati na-sh-shoot eh. Basta! I'll let you know!"
I formed my fist and showed it to him. "Siguraduhin mo lang. Marami ka na atraso sa'kin, ni hindi ko alam na naninipat ka na ng kano."
"Oo na, oo na." He yawned and blinked his eyes. "Call you later, basta virtual date tayo, ha? I'll just take some sleep." Pahina na nang pahina 'yung boses niya.
Gustuhin ko mang makausap pa siya nang matagal ay alam kong hindi pwede. Pasalamat na nga lang ako at nagkaroon siya ng kaunting oras para sagutin 'yung tawag ko at makausap ako kahit ilang minuto lang eh.
"Alright, matutulog na rin ako. Happy birthday again, Winn!"
"Yeah, yeah. Thanks, bud. Love you!" He forced to smile kahit bakas na bakas na sa mukha niya ang antok.
Mahina naman akong natawa at pinatay na ang tawag. Umayos na 'ko ng higa ko at tinapon ang mga sachet ng chocolate drink na nasa table ko. I sighed and shook my head. Damn, the things I do para lang maisingit niya sa oras niya ang pagka-usap sa'kin.
Sa totoo lang kanina pa ako antok na antok. After watching series in Netflix bumigat na kaagad 'yung talukap ko. I had to drink chocolate para lang may pang-laban sa antok. Well, ginusto ko naman din na hintayin ang pag-sapit ng 12 AM para batiin siya.
Ang dapat nga ay itetext ko lang siya ng greetings eh! I just tried my luck, hindi ko naman inaasahang sasagot siya dahil nga ang tagal na rin naming hindi nag-usap.
BINABASA MO ANG
Fourth of July
General Fiction"If loving you is a crime, then I'll be your primary suspect." - Gabriel Keilev Coronado.
