CHAPTER TWENTY-EIGHT

6 0 0
                                    

HER POV

"Ano nang balak mo sa darating na birthday mo, girl?" Elysha asked while she was having her breakfast.

"Ay, malapit na birthday mo? E'di, ilang taon ka na no'n?" Sabat naman ni Ceddy habang sumisimsim sa kape niya. Saglit pa siyang dumungaw sa table ni Elysha para manguha nung pagkain niya pero agad siyang sinabunutan ni Ely.

"Damot naman.." Bulong na lang nito. "So, ilan nga?"

"Twe-"

Helwinn cut me off. "Twenty-five."

"Ba't may epal dito? Du'n ka na lang, mag-pose ka na lang do'n." Biro pa ni Cedrick. Mainit talaga dugo niyan kay Winn pero nakakapag-tiis pa naman sila sa isa't-isa.

"Ba't may tanga dito? Du'n ka sa inyo. Mag-laba ka na lang." Sabat ni Winn.

Kami naman ni Ely ay napailing na lang at napakamot sa ulo dahil sa kakulitan noong dalawa. Maaga pa lang ay nag-send ng google meet link si Cedrick para daw mag-usap-usap kami nila Ely. Sinali ko na lang din si Helwinn dahil tumatawag din siya sa'kin pero hindi ko naman masagot dahil naka-charge ang phone ko sa may couch.

I'm too lazy to pick up my phone kaya heto't gamit-gamit ko ang laptop ko at naka-patong lang 'to sa lap ko habang naka-upo ako sa kama ko.

We were supposed to have meeting regarding to my mission, pero tsaka na lang daw. Rest day naman daw. Tsaka, madaming ginagawa sa office sila Ely at Ced. It would be hard for them to mix up their works into mine.

"Nice! Dapat pala mag-set tayo ng surprise for her!" Pumapalakpak pang sabi ni Ced para agad siyang natigil nang makatanggap ng batok mula kay Ely.

Himas-himas ang ulo niya ay tiningnan niya nang masama si Ely. "Inaano ka ba?"

"Ang pagiging tanga, hindi unlimited ha? Lahat ng katangahan sinalo mo na. Magtira ka para sa iba." Bagot na sabi nito. She drank water after she finished eating. Natawa pa kami nang makarinig ng mahinang pag-dighay sa kaniya. "Sorry.. I was saying, hindi na surprise 'yon kasi napaka-ingay mo. Ang bobo naman,"

"Wala ka pala e! Bobo ka pala e!" Pang-aasar pa ni Helwinn.

"Pwede ba manapak via google meet?" Nanghahamon na tanong ni Cedrick.

Natawa na lang ako at pinilit kong tumayo. Nilapag ko na lang 'yung laptop sa maliit na lamesa ko at nag-bukas ng mini fridge ko rito sa kwarto para kumuha ng tinapay. Nag-c-crave ako sa tinapay na isasawsaw sa powdered milk kaya naman ngayong may nakita ako sa fridge ay agad kong nilantakan 'yon.

Nang balikan ko 'yung mga gunggong sa meet ay para na silang bata na nag-aasaran at nag-di-dilaan pa.

"Wala kayong work? Ang aga niyo mambulabog ah," Sabi ko pa at kumain.

"Kami meron. Mamaya na namin gagawin kasi kami ang boss dito." Sabay na sagot pa nina Ced at Ely. Nag-apir pa sila pagtapos no'n. Siguro nag-che-check lang sila ng paperworks ngayon kaya kahit papaano'y na-si-singit pa 'yung pakikipag-daldalan.

"Ikaw, Winn?"

"Condo. Rest day. Meet na lang tayo later? Milktea tayo!"

Sasagot na sana 'ko nang sumabat 'yung dalawa.

"Baka naman makarating pa dito ha? Nakakahiya naman."

Bahagyang natawa si Winn at umayos nang pagkakahiga niya. "Siyempre hindi. Gold ba kayo?"

"Anyway, I don't think makaka-gala ako today. Nagpapasama si Gabriel-" Natigilan naman ako sa sinabi ko. "I mean.. Sir Gabriel,"

"Naks, date?" Elysha asked.

Fourth of JulyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon