CHAPTER FIFTY-NINE

8 0 0
                                    

#HER POV

Pakiramdam ko tumigil sa pag-ikot ang mundo at tumigil sa pag-pintig 'yung puso ko nang maramdaman kong walang pulso si Gabriel. Kahit ilang beses kong subukan ay non-responsive pa rin 'yung katawan niya.

Napatingin ako sa mga tao sa paligid namin at lahat sila ay hindi rin halos alam ang gagawin. I looked at the twins as a sign for help, but they just shrugged their shoulders and looked down. They didn't even know what to do.

Gosh, wala bang medic dito!?

"Should we call an ambulance?" I asked them-- with my trembling voice.

"I'm afraid we can't. Unluckily, masiyadong liblib at malayo 'tong lugar na 'to kaya baka mahirapan din sila hanapin tayo. Isa pa, walang signal dito." One of his employee spoke.

Nawawalan na ako ng pag-asa. Hindi ko na alam ang gagawin ko! I almost begged the heavens to help him. Hindi ko yata alam kung ano'ng gagawin ko kung sakaling may mangyari pa sa kaniya.

Kung bakit ba naman kasi tumalon pa eh! Alam niya namang hindi pa magaling 'yung sugat niya! Paano kung na-trigger 'yon?

I bit my lower lip as I felt hot liquid began to stream down my face. Wala na akong nagawa at hindi ko na napigilan 'yon nang mag-unahan silang tumulo. With my pounding chest and trembling hands, I placed my hands on his chest and began to revive him for the nth time.

"Damn it, Gabriel! Wake up!"

"Chels.. calm down," Jairus reminded me as he tapped my shoulder.

Bahagya kong ginalaw ang balikat ko para maalis ang kamay niya ro'n. I didn't throw him a single glance and just kept my focus on reviving Gabriel.

How the fuck am I supposed to calm the fuck down?! Gabriel's not responding! Ni mahinang pulso wala eh!

"One more time.. Please.. don't make this hard for me," I almost whispered. Muli ko siyang binigyan ng hangin pero wala pa rin.. gano'n pa rin.

Ang iba ay halos mag-kalat na kakahanap ng signal para tumawag ng tulong. Padyak lang ang naririnig ko sa kanila dahil marahil ay wala silang masagap na signal.

"Gabriel.. please, open your eyes and I promise not to argue with you anymore. H-hindi na kita aawayin.."

For the last time.. I placed my mouth on top of him as I gave him air.. hoping that this would make him open his eyes..

I shut my eyes off as I continued giving him air while sobbing. I kept on asking Him to help me revive Gabriel.

At hindi naman ako nabigo.. halos mag-bunyi ang buong pagkatao ko nang marinig ko ang mahinang pag-ubo niya at kasabay no'n ay pag-dilat ng mga mata niya.

"Sir!!"

"Coronado! Finally!"

"Fuck.. thank you.." Mahinang usal ko at parang lantang gulay na napayakap na lang sa tuhod ko. Bumalik na rin ang mga tao at ganoon na lang ang tuwa nila nang makitang maayos na ang sir nila.

Jallen handed me bottled water. Napansin niya sigurong halos kapusin ako ng hininga. Magkakasama na silang bumalik sa kani-kanilang rest house, leaving me here with Gabriel.

"Wife.." Gabriel softly called me. I felt his hand squeezing my arms. "Thank you.."

I gave him a weak smile. That's the least I could offer. Hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik sa ulirat ang isip ko. Parang bigla akong nabunutan ng tinik nang makita kong dumilat na siya pero hindi ko kayang maging masaya kagaya ng iba..

Pakiramdam ko ako naman ang nawalan ng pulso dahil sa nangyari..

Paano kung hindi na talaga nag-respond 'yung katawan niya? Paano kung hindi na siya dumilat? Paano kung hindi ko siya naisalba? Paano kung..

Fourth of JulyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon