"Rise and shine!" Masiglang bati ko at nag-unat pa. Masiyadong maganda 'yung panaginip ko. Siguro naman magandang start na 'yon ng araw ko 'no?
Inayos ko na muna 'yung maliit na higaan ko at pinatay ang electric fan. Nag-ayos muna ako ng sarili bago tumungo sa kusina at para mag-luto- ng corned beef.
Well, at least, maiba naman. Hindi puro sardinas.
Tiningnan ko 'yung wallet ko at nando'n pa rin 'yung 200 pesos kong pera. 'Yung Gcash ko naman simot na simot na. Akalain mo 'yon, nagawa kong ubusin 'yung perang pinadala sa'kin ni Helwinn para lang sa alak?
Ni hindi ko man lang naisip 'yung mga kailangan kong bilhin sa bahay.
Nice, one. Chelsea. What a life.
Iiling iling na lang akong kumain ng almusal at nag-pasya na rin akong linisin ang tinitirhan ko. Kung tutuusin, hindi na mahirap sa'kin 'tong linisin dahil hindi naman 'to kalakihan. Tsaka hindi naman ako makalat 'no?
Nag-walis, nag-mop at nag-agiw lang ako. 'Yung ibang gamit sa bahay ay hindi ko na pinag-aksayahan ng oras na galawin dahil baka magkalas kalas lang 'yon. Wala akong pamalit do'n 'pag nagkataon.
Aware naman ang landlady kong bruha na may mga gamit ditong sira na. Kaya hindi niya 'ko pinepressure na palitan nang bago't maayos 'tong mga gamit dito.
Nang matapos akong mag-linis ay sinalang ko na 'yung bagong sim kong binili. I decided to change my number so that no one will be able to contact me. Not even Helwinn. Wala lang, bagong buhay lang.
Shala, ano? 'Yung sim bago.
Pero 'yung buhay, gago.
Natawa na lang ako sa pinag-iisip ko at nagpunta na 'ko sa cr para maligo. Kailangan kong bumili ng bigas at kahit papaano'y i-treat ang sarili ko nang masarap na ulam.
Masiyado akong nadala sa panaginip ko. Kaya I think I really deserve to eat something I want and something I love.
Bago ako lumabas ng bahay ay siniguro ko munang naka-kandado 'yon at sarado lahat ng bintana. I was wearing tshirt and shorts then slippers. Like my usual attire, wala namang bago sa outfit kong 'to. Isa pa, sa palengke lang naman ako pupunta.
"Chels.."
"Ay bakla ka!" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat.
Inis kong tinapunan ng tingin si Helwinn na nakasandal sa may gilid ng bahay ko, naka-pamulsa pa ito at deretsong naka-tingin sa'kin.
Nginitian niya ako nang makita niya ako.
"Aalis ka?"
"Hinde, papasok ulit. Lumabas lang ako para maarawan." Sarkastikong sagot ko.
Natawa na lang siya at lumapit sa'kin. Masiyado siyang matangkad kaya naman naka-tingala ako sa kaniya.
Unlike his shooting attire, naka-simpleng black shirt lang ito at cargo shorts tapos flat slippers. Ang buhok niyang laging brushed up ay bagsak ngayon.
"Ano ba? Bakit ka nandito?"
"Bawal ba? You're not answering my calls. I thought you're dead- or you're doing crazy shits again to hurt yourself."
Bakas sa tono nang pananalita niya na seryoso siya sa bawat linyang binitiwan niya.
He seemed worried. I couldn't blame him, though. Alam niyang kaya kong saktan 'yung sarili ko- dahil doon nag-simula 'yung pagkakaibigan namin.
I was cutting myself with a sharp tool I got, I succeeded drawing two cuts on my arm, but he caught me and made me stop. That's the first time he realized something-
BINABASA MO ANG
Fourth of July
General Fiction"If loving you is a crime, then I'll be your primary suspect." - Gabriel Keilev Coronado.