CHAPTER EIGHT

10 0 0
                                    

A/N: So, I'll be putting "POV"'s before the update. To determine and easily distinguish whose POV it is. Her POV, His POV.. and even Third Person's POV— if needed.

Kinabukasan ay halos tanghaliin ako ng gising dahil ano'ng oras na rin kasi ako naka-tulog kagabi. Ang tagal naming nag-usap ni Helwinn para i-tour siya sa buong mansyon, tapos nag-usap rin kami ni Cedrick para turuan niya kung ano 'yung mga iba't ibang portfolios na nilagay niya sa laptop ko.

Bawat isa raw doon ay tungkol sa trabaho ko. As if naman na may mga infos 'yon ni Gab. Pero in-access niya lang 'yung site ng company para madali akong maka-gawa ng report.

Mabuti na lang at wala pa 'yung Gabriel dito, kung hindi baka nagka-lamat na 'yung masasayang sandali ko sa mansyon. Hindi naman rin ako inaapura ni Nanay na gumising nang maaga para mag-linis na kaagad, dahil wala pa naman daw si Sir Gab.

Sinabihan niya pa ako na huwag ko raw muna pagurin 'yung sarili ko sa pagta-trabaho dito dahil personal maid naman ako ni Sir Gab. Gusto niyang i-test kung hanggang kailan ako tatagal sa isang 'yon.

Ayaw niya rin sabihin sa'kin kung ano'ng hitsura nung Gabriel.

Siguro pangit.

Nakakadiri, gano'n.

Kaya masiyadong pahirapan pati sa pag-alam ng hitsura niya.

"Malas. Demonyo na nga, pangit pa.." Bulong ko sa sarili ko at inayos na 'yung higaan ko. Isa na rin 'yon sa dahilan kung bakit tinanghali ako ng gising, ang sarap matulog sa malaki at malambot na kama!

Nakaka-miss rin pala. Nasanay kasi akong nakahiga sa matigas na higaan.

Nang maayos ko 'yung higaan ay pumunta na 'ko sa cr para sana maligo pero walang tubig na lumalabas do'n.

Dali-dali akong lumabas ng kwarto ko bitbit ang twalya at uniporme ng katulong at pumunta sa kusina para kausapin si Nanay at ipaalam 'yung tubig.

Natagpuan ko siyang nag-lu-luto. Nang lumingon siya sa'kin ay natawa pa siya sa hitsura ko. Saglit niyang binitawan 'yung sandok at lumapit sa'kin para ayusin 'yung buhok ko.

"Kagandang bata, mukhang bruha." Naiiling pa siya at natatawa. "Magandang umaga, iha. Kamusta ang tulog mo?"

"Okay naman po. Nay, maliligo po sana ako kaso walang tubig na lumalabas sa banyo."

"Ah, ganu'n ba? Sinumpong na naman 'yang cr d'yan. Baka mamaya pa magka-tubig do'n, sa cr ka muna do'n sa banda na 'yon maligo." Turo niya sa cr na medyo may kalayuan sa kusina. Malapit na 'yon sa may receiving area.

Tumango na lang ako at mabilis na nag-punta ro'n. Bitbit ang phone ko ay nag-patugtog muna ako bago isalang ang sarili ko sa bathtub. May mga sabon na mababango at iba't ibang flavors pa.

Inabala ko 'yung sarili ko sa pag-ba-babad sa tub. Sinasabayan ko pa 'yung kumakanta sa phone ko. Nasa gano'ng posisyon ako nang tumunog 'yung phone ko.

Cedrick sent you a message.

Hindi ko na lang pinansin 'yon at pinag-patuloy ang pag-babad. Matapos no'n ay naligo na 'ko nang maayos. Saglit lang 'yon dahil kumakalam na rin ang sikmura ko sa gutom.

Hindi naman mahirap patuyuin 'yung buhok ko dahil maikli lang 'yon. Sinuot ko na 'yung uniform— black and white ang lining no'n, parang pang-Japanese, maganda siya, in fairness.

"Shala, ang sexy ko naman dito. Pwede na 'ko sa Hentai," Napahagikgik pa 'ko sa kahalayan na sinabi ko.

Pinasadahan ko ng tingin ang sarili ko sa salamin. Sakto lang sa'kin 'yung uniform, lumitaw pa ang kurba ng katawan ko. Hindi siya maluwag, at hindi rin masikip. Talagang sakto lang.

Fourth of JulyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon