Nang huminto ang sinasakyan namin ay agad kong binaba ang bintana ng sasakyan para tingnan ang kabuuan ng bahay na nasa tapat namin.
Hindi ko na ininda 'yung hilo at pag-sakit ng ulo ko dahil sa mahabang biyahe. Tutok lang ang atensyon ko sa malaking bahay- mansyon na yata ito.
Labas pa lang nu'n ay malaki at malawak na. Elegant black and glass type 'yung mansyon, litaw na litaw ang ka-garaan ng bahay.
"Isara mo naman 'yung bibig mo, baka mag-tulo ka pa ng laway sa sasakyan ko." Naiiling na sabi ni Cedrick, isa siya sa co-worker ko rin sa office. Gaya ni Lanzkeith ay sa art rin siya. Sila 'yung toka sa paggawa ng book covers and other work related papers ng kompanya.
Siya rin 'yung na-assign na maging look out ko- partner in this job, but more on secret agents kami gano'n. He even gave me a recorder earrings, kung titingnan ay simple at normal na hikaw lang 'yon. Ang kagandahan lang du'n ay hindi siya madaling matanggal kahit ano'ng gawin mo.
Depende na lang kung ipapaputol ang tenga ko.
"Kahit ano'ng mangyari, 'wag na 'wag mong aalisin 'yan, ah?" Paalala pa niya kaya naman pikit matang tumango na lang ako.
Sa totoo lang, kanina niya pa 'yon pinapaulit ulit sa'kin. Nakakarindi na. Gano'n kahalaga 'yung recorder earrings na 'to, kasi siyempre malaking tulong 'to sa trabaho ko.
Nagulat ako nang bigla niyang alisin 'yung seatbelt niya at nilapit 'yung mukha sa'kin. Halos naamoy ko na 'yung mabango at amoy mint niyang hininga.
He chuckled upon seeing my reaction. "Relax. I won't do anything bad to you.." he smirked then shook his head. "Unless you want me to."
"Bobo."
Natawa naman siya at kinapa 'yung maliit na button sa may earrings ko- nasa may pakaw 'yon. Maya maya'y nilabas niya rin 'yung phone niya at may kung anong pinindot do'n.
"Kabayo ka!" Nahampas ko naman siya sa gulat ko nang biglang may tumunog na malakas sa tenga ko.
"Tinanggal ko na 'yung tunog na gano'n para hindi ka magulat. Once kasi na i-on at i-off 'yan, tutunog talaga. Kaya in-off ko, baka mabisto tayo."
Tumango na lang ako sa sinabi niya. Wala talaga akong maintindihan tungkol dito pero na-a-astigan lang ako.
Muli siyang umayos ng upo at tumingin sa mansyon. Sumilay ang ngiti sa labi niya. "I-o-off ko muna 'yang earrings mo, dahil hindi naman pwedeng ikaw ang gumawa no'n. Nasa akin ang manual niyan, tsaka 'wag kang mag-alala. I gotchu, we're not partners for nothing."
Ngumiti ako sa kaniya at nag-thumbs up. Akala ko ako lang mag-isa ang gagawa nito, pero partner ko pala siya, 'yun nga lang ay hindi siya pwedeng pumasok sa loob ng mansyon. Mata ko siya sa labas, at ako ang mata niya dito sa loob.
Ako ang gagawa ng report tungkol sa misyon ko, at siya ang mag-aasikaso no'n para madaling ma-approved ni Pres.
"Tsaka nga pala, hindi pa umuuwi d'yan si Mr. Coronado kaya hindi pa agad magagawa 'yung misyon mo, but I'll give you heads up once I got an update. For the meantime, you need to do nothing but to focus on your job. Nothing more, nothing less." Paalala pa niya sa'kin. Talagang sinasalubong niya 'yung mga tingin ko, na para bang gusto niyang makipag-labanan talaga ng tingin.
May kinuha siya sa likod ng sasakyan at nang iabot niya sa'kin ay napakunot ang noo ko.
"Cellphone?"
He nodded his head. "Open that box."
At sinunod ko naman 'yon. Tumambad sa'kin ang cellphone ko.
BINABASA MO ANG
Fourth of July
General Fiction"If loving you is a crime, then I'll be your primary suspect." - Gabriel Keilev Coronado.
