Ilang araw na 'kong hindi kinakausap ni Helwinn. Kapag i-te-text ko siya, hindi naman siya nag re-reply. Kapag tatawag naman ako, mag ri-ring lang 'yon ng ilang beses tapos magiging server busy raw. Puro gano'n ang sinasabi ng operator hanggang sa mag cannot be reached na ito.
I know he's avoiding me.
I couldn't blame him.
What I've said was too painful. I should've been more careful and sensitive.
And now that he's being distant, I don't know what to think.
Hindi ko naman siya pwedeng puntahan sa studio dahil alam kong wala akong mapapala do'n. According to him, masiyadong strikto 'yung manager niya- actually, lahat ng tao sa stud nila. Kaya I know hindi rin nila 'ko pagbibigyan na maka-usap man lang si Helwinn.
Kapag pinupuntahan ko naman siya sa kanila, palaging wala siya sa bahay. I don't know his whereabouts. Alam kong may iba pa siyang pinupuntahan aside from his home, pero kung saan 'yon- ay 'yon ang hindi ko alam.
Nakakabaliw na 'tong ganito. Hindi ako mapag-isip ng paraan kung paano ko siya makakausap.
"Ba't ang hirap mong hagilapin, Win?" I asked myself. I took out my phone and check my notes. May sched nga pala ako nung shoot ni Helwinn.
Weekend ngayon, kaya wala siyang shoot. Usually, kapag weekend ay rest day niya kaya I'm sure na nasa bahay lang 'yon.
"Gotcha.." I whispered to myself and began preparing myself.
Mabilis akong naligo at nag-ayos. I chose to wear tshirt and shorts- of course, wala naman akong ibang sinusuot kun'di ito. I put headband sa boy cut kong buhok.
Wala lang, para hindi ako mapagkamalan na lalaki. Duh?
Pag-labas ko ng bahay ay saktong paparating na naman 'yung bruhang landlady ko.
Agad na nalukot ang mukha ko.
Ngumisi siya at lumapit sa'kin. "Bayad-"
Natigil siya sa pagsasalita ng itaas ko 'yung kamay ko at nilapit sa mukha niya.
"'Wag ngayon." Matigas na sabi ko at iniwan na siyang nakatulala do'n.
***
Bumaba ako sa bike ko nang marating ko 'yung bahay nila Helwinn. Saktong naabutan kong nag di-dilig ng halaman si Tita Precy. Tinigil niya 'yung ginagawa niya nang makita ako.
Agad naman akong lumapit sa kaniya at bumeso.
"Hi po, Tita!"
She gave me a wide smile. "Hello, iha. What brings you here?"
I scratched my nape and smiled a bit.
Natawa naman siya nang mahina. "Okay, I think I know."
"Sorry po.."
"Honestly, I don't know what's the issue between you two. But I know you guys need to talk, another but, he's not here."
"Po? E, wala po siyang shoot ngayon."
She just shrugged. "Ewan ko ba sa batang 'yon. Hindi pa umuuwi dito. Baka nandu'n sa kaibigan niya."
Bagsak man ang balikat ko ay tumango na lang ako at pilit na ngumiti. "Gano'n po ba? Sayang naman po."
Akala ko naman nandito siya, e'di sana makakapag-usap na kami.
"Gusto mong pumasok muna? Sa loob mo na lang siya hintayin, I'll call him and tell him that you're here."

BINABASA MO ANG
Fourth of July
Narrativa generale"If loving you is a crime, then I'll be your primary suspect." - Gabriel Keilev Coronado.