Kung ilang beses na 'kong sumuka sa daan ay hindi ko na rin alam. Basta ang alam ko lang, matapos namin wakasan ang pagkakaibigan namin ay dumeretso ako sa convenience store para uminom- ng beer in can.
E, sa wala naman akong pera pambili ng mamahaling alak 'no? Isa pa, hindi pa tinatransfer sa account ko 'yung kahit papaanong kapiranggot na kinita ko sa part-time na pinasukan ko.
Paano naman ang pangarap kong mag-walwal nang bongga, 'di ba?
Tiningnan ko muli 'yung wallet ko at 200 pesos na lang ang laman no'n. Ni hindi ko alam kung ilang araw akong magtitipid para may pangtustos sa pang-araw araw kong buhay.
I sighed after drinking the last can I have. Napatingala ako at napabuga ng hangin. "Lord, pa-cash ka naman d'yan."
Para na 'kong tanga na nakatingala dito tapos maya maya'y maiiyak na lang ulit. Kapag naalala ko 'yung nangyari kanina, hindi ko maiwasang hindi maiyak. Sobrang sakit pala. 'Yung taong mahal mo, pinag-palit ka sa kaibigan mo.
'Yung kaibigan ko naman, walang kwentang tao pala tingin sa'kin.
"Lord, bakit naman kasi nung nagpaulan ka ng kamalasan, pinag-swimsuit mo pa 'ko? Sana man lang winarningan mo 'ko, 'di ba?" I said between my sobs.
Ano nang gagawin ko ngayon? Literal na mag-isa na lang ako. Nakakaloka naman. Hanggang kailan ako magtitiis sa buhay ko na 'to?
Hay, ewan. May magparamdam lang talagang sugar daddy sa'kin, i-grab ko na kaagad.
Kamuntikan naman akong masamid sa iniinom ko nang mag-vibrate 'yong phone ko. Ang pangalan ng kaibigan kong lalaki ang lumitaw do'n.
Oo nga pala, nakalimutan ko na siyang tawagan pabalik kanina. Sobrang lutang na lutang na kasi ako.
Agad kong sinagot ang tawag niya at nangiwi naman ako sa sunod-sunod niyang tanong sa'kin.
"Where were you, Chelsea? I've been calling you ever since I woke up, and now the day's about to end, ngayon ka lang sumagot?"
I closed my eyes and took a deep breathe.
Lord, 'di ba sabi ko sugar daddy po? Ba't naman makunat na daddy 'tong binigay niyo? Final na ba 'to?
"Nasa'n ka ba ngayon? Have you eaten? How are you?"
"Helwinn, pwede bang isa isa lang? Buhay pa naman ako. Malayo sa bituka.." Nailayo ko 'yung phone mula sa'kin dahil nagsisimula na namang mag-crack 'yung boses ko.
Para naman akong batang nagsusumbong nito.
"You sounded shit. Ayos ka lang ba talaga? I haven't heard anything from you."
"I'm.. I'm still alive." I bit my lip. I can't say I'm fine because I know that if I do, I'd be lying not just to him, but in myself too.
"You seemed not okay."
"I'll be fine."
"Fuck it. I still can't leave this fucking shoot, we'll talk once I get home, 'kay? Be sure you're fine. Damn it." Kahit naiiyak ako ay nagawa ko pa ring matawa nang mahina.
He sounded like my dad. Palagi niya 'kong pinapaalahanan na mag-ingat. Ewan ko ba. Pero kahit na papaano, I feel na may isang tao pa rin na nakakaalala sa'kin.
Just when I thought the whole world turns it back at me, there's still one person who would embrace me and tell me that everything's gonna be okay.
After all, he's still Helwinn Brix Doniego, and he wouldn't be Doniego for nothing.
Saglit na tumahimik ang kabilang linya kaya akala ko wala na 'kong kausap. I was about to end the call when he speak again.
"I'll send you money, eat everything you want. Call me if something happens. I'll hang up now."

BINABASA MO ANG
Fourth of July
Aktuelle Literatur"If loving you is a crime, then I'll be your primary suspect." - Gabriel Keilev Coronado.