CHAPTER NINETEEN

7 0 0
                                    

THIRD PERSON's POV

Hindi mapigilan nang disi-otsong binata ang pag-ngiwi dahil sa narinig niyang balita mula sa tv. Talamak ang maruruming trabaho sa industriya ng negosyo. Maraming namamatay, 'yung iba ay pinalalabas na aksidente kahit ang totoo'y may tao ang nasa likod no'n, na may kagustuhang pabagsakin ang kung sino man ang mangangahas na humarang sa negosyo niya.

"What's with that face?" Ani ng isang lalaking nasa edad bente na. Tahimik ito sa pag-ta-type ng kung ano sa laptop niya.

"Business world is just fucked up. Lalo na 'yung sistema. I wonder if Dad knows about this." Sabi nalang nito habang tinatapos ang agahan niya.

Nakita niyang tumayo na ang kapatid at isinara ang laptop nito. "I'll go now. Take care, Kei."

Ngumiti naman ito sa kapatid at tumango na lang. Saglit pa siyang nanood ng balita at naiiling na lang sa mga naririnig niya.

That's why he wanted to be a lawyer someday. Just like his brother. He just knows he'll excel in that profession. Besides, they're family of lawyers. It's just that, his dad owns a companies— their family owns wide range of companies.

Hanggang sa eskwelahang pinapasukan niya ay business world pa rin ang tinatalakay dito. Halos nagkakaroon ng debate tungkol sa makabagong sistema na pinapalakad ng mga negosyo ngayon at kung paano ito naiba sa nakasanayan na sistema at patakaran noon.

He was onced get asked kung ano'ng gusto niyang maging trabahong tatahakin.

Palagi niyang sinasabing ang kuya niya ang idol niya. He sees him as a hero. Kaya kung ano'ng propesyon ng kuya ay gano'n rin ang gusto niya.

Ever since they were kids, palaging kuya niya ang nag-aalaga at nagba-bantay sa kaniya dahil palaging nasa business trip ang magulang nila. Kahit sa school, kapag family day, kuya niya ang humaharap doon. Kapag may special occasions, kuya niya ang lagi niyang kasama. He really adores him and loves him that much.

Speaking of his Kuya Keagan Gave, nakita niya ang sasakyan nito na nakaparada sa labas ng school niya. Lumabas mula doon ang kapatid niya at kumaway sa kaniya.

Kung minsan ay tinutukso siya dahil masiyado siyang nakakabit sa Kuya niya, hatid-sundo pa ito kung madalas. Pero hindi na lang niya pinapansin 'yon. Wala nang mas mahalaga pa sa kaniya kung hindi ang kapatid.

"Kei! Hurry up!" Nagulat pa siya saglit sa sigaw ng kuya. Tumakbo siya sa kinaroroonan ng kapatid at nakipag-fist bump dito.

Sumakay na sila sa sasakyan at pinaharurot 'yon ng kapatid papunta sa lugar na paborito nilang puntahan.

"Kuya, bakit tayo nandito?"

"I heard you ranked 1st on your class. So, here's your prize." Nakangiting sabi nito sa kapatid at ginulo ang buhok nito.

Kitang-kita sa mga mata ng binata ang galak dahil nandito sila ngayon sa arcade. Palagi siyang nagpupunta dito kapag gusto niyang mag-celebrate ng mga achievements niya— whether it's small or huge achievement. Gusto niyang isama ang mga magulang ngunit alam niyang malabong mangyari 'yon.

Kaya laking gulat niya ng sinamahan siya ngayon ng kapatid niya.

Agad silang lumabas ng sasakyan at magka-akbay pang pumasok sa loob ng arcade. Doon ay nag-paligsahan sila sa paglalaro ng kung ano-ano. Nag-sayaw rin sila sa dance machine doon. Kahit hindi sumasayaw ang kuya niya ay napilit niya ito. At dahil doon, malaking ngiti ang naigawad no'n sa labi niya.

"Thank you, Kuya. I've always wanted to go here with someone, but our parents are always busy. Ayaw naman kitang istorbohin dahil halos hindi ka na natutulog kaka-aral para sa exam mo." Madrama pang sabi ng nakababatang kapatid habang kumakain ng pizza at nagpupunas ng pawis.

Fourth of JulyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon