CHAPTER TWO

19 0 0
                                    

Kahit parang minamartilyo sa sakit ang ulo ko ay pinilit ko pa rin na bumangon mula sa kama ko dahil sa sunod-sunod na katok sa pintuan ko.

Parang mawawasak 'yung pintuan ko dahil sa lakas ng katok, kalampag na nga yata 'yung ginagawa, e.

"Chelsea Gavin!!!"

"Oo na, ito na! Sandali!" Sigaw ko pabalik.

Pupungas-pungas pa 'kong lumabas ng maliit na kwarto ko at kumuha ng twalya para itakip sa damit ko. Wala kasi akong suot na bra panloob.

"Magandang umaga po-" Nabitin sa ere ang sasabihin ko nang bumungad sa'kin ang naka-kunot na noo ng landlady kong biyuda. Naka-pameywang pa ito at naka-taas ang kilay sa'kin.

Pilit naman akong ngumiti sa kaniya.

"Bayad." Maikli niyang sabi at nilahad pa 'yung kamay niya. Ngumunguya pa siya ng chewing gum na kakulay naman ng gilagid niya.

"Ano ho iyon?" Mang-maangan kong sagot. Kahit ang totoo ay nilulusob na rin ako ng takot sa dibdib ko.

Isa lang naman ang sadya niya kapag pinupuntahan ako dito. Ang maningil ng upa.

"Aba, 'wag kang umarte na parang hindi mo alam ang pakay ko." Sagot niya pa habang naka-lahad pa rin ang kamay niya.

"Ah! Iyon po ba?" Tanong ko at tumango naman siya. Umayos ako ng tayo at sinawsaw 'yung daliri ko sa palad niya.

"Sawsaw suka, mahuli-"

Galit niyang binawi ang kamay niya. "Ako ba pine-play time mo? 'Wag mo 'kong libangin, babaita. Mag-bayad ka na ng upa mo para makaalis na 'ko at 'di na kita guluhin pa."

Napakamot na lang ako sa ulo ko at ngumiti sa kaniya.

"Pwede po bang extend pa ng 1 week?"

Napitlag naman ako nang humakbang siya palapit sa'kin at sigawan ako. "Hoy, ano'ng tingin mo sa apartment ko, computer shop?! Walang extend extend!"

Shit, hindi ko na alam ang gagawin ko. Ba't ba naman kakasimula pa lang ng umaga ko, kamalasan na agad mabubungaran ko, e.

"Ganito na lang ho, how about five days?" Tawad ko pa.

"Nag-bawas ka lang ng dalawang araw. How about palayasin na kita ngayon dito?"

"Luh, 'wag gano'n po. Tsaka, chill ka lang. Ang aga aga nakabusangot ka't naka-sigaw. Maririnig ka po ng mga katabing unit ko," Napalingon pa 'ko dahil may mangilan ngilan na rin ang nakakapansin sa'min.

Baka mamaya ma-headline na sa dyaryo 'to.

Landlady na 'di mapakiusapan, hinamon ko ng suntukan.

That would be great news, if ever.

"Kung ayaw mo ng eskandalo, mag-bayad ka!"

"Promise po, sa makalawa po. Magbabayad na 'ko talaga. Talagang talaga po," Sabi ko pa at nakataas pa 'yung kanang kamay ko na para bang nanunumpa.

"O'siya. Siguraduhin mo lang. Kung hindi, magpapaalam ka na sa bahay na 'to." 'Yun na lang ang sinabi niya at iniwan na 'ko. Agad naman akong napatingin sa mga kapitbahay kong halos nanonood ng tv sa kakausisa sa'kin.

"Gandang umaga po, ano po? Tapos na po ang show. Magsipasok na kayo sa bahay niyo." I bravely said then rolled my eyes.

Sinara ko na 'yung pintuan ng bahay ko at nagulat pa 'ko dahil may nag-tunugan na mga turnilyo do'n.

Lintek na bahay 'to. Kahit yata mighty bond, hindi na tatalab dito. Bulong ko pa sa sarili ko.

Wala naman kasi akong choice. Ito lang ang pinaka-murang bahay na pwede kong upahan. Maliit siya't parang lumang bahay na. Halos may mga diperensya na rin ang mga kagamitan pero tiis tiis na lang talaga ang ginagawa ko.

Fourth of JulyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon