HER POV
Last day na dapat namin ngayon sa mansyon ng mga Coronado. Supposedly, pupunta kami sa beach resort nila sa Batangas pero biglang kinailangan na dalhin sa States si Gabriel para sa treatment niya. Sinabi na lang nilang once na makabalik sila ay babawi na lang sila ng beach vacation for me and Gabriel.
Ngayon ay nag-iimpake sila ng mga gamit na dadalhin nila dahil malapit na daw silang umalis para makabalik agad dito.
"Gabriel, pack your things." Maawtoridad na sabi ng Daddy niya dahil nasa tabi ko lang si Gabriel at parang ayaw bumitaw sa kamay ko. Nanlalamig ang kamay ko dahil sa takot pero pilit ko na lang iniintindi lahat. 'Yung kondisyon niya.. lahat ng nangyayari.
"I'm not going. I won't leave my wife here." Matigas na sagot niya at nakipag-labanan ng tingin sa ama niyang ngayon ay naka-kunot na ang noo sa kaniya.
"Why don't you just come with us, Chelsea? That would be great. Mapapabilis ang session ni Keilev when you're there." Napalingon naman kaming lahat sa mommy ni Gabriel nang bumaba ito sa hagdanan at ayos na ayos na. She looks stunning and sophisticated.
Nalipat naman ang tingin sa'kin nila Gabriel at ng Daddy niya. Para bang hinihintay nilang dalawa 'yung sagot ko.
"Kailan po ba ang alis niyo?"
"As soon as possible sana. Kung maagang matapos ang meetings namin sa mga susunod na araw, lilipad na kami agad ng bansa by- I don't know the exact date, but I'll make sure na weekdays kami aalis."
Napaisip naman ako saglit. Hindi ako puwede sa gano'ng araw dahil baka matapat 'yon sa big day ng studio! I need to be there. Sayang naman 'yung mga pinractice ko.
But what am I going to do? Gusto ko rin namang sumama sa kanila dahil gusto kong malaman kung paano nag t-treatment si Gabriel. Kung ano'ng processes ang ginagawa. I can write them down on my journal report.
Pero ano'ng gagawin ko? I made a promise to Helwinn and their team. I can't back out now. Ayokong ma-disappoint sila sa'kin. At tsaka, I'm really looking forward para sa magaganap sa big day ng studio.
Nagtatalo na ang isip ko. Parehas ko gustong pumunta, pero hindi naman ako makapag-decide. Ano ba 'yan! Kung pwede lang hatiin 'yung katawan ko ginawa ko na.
"Chelsea?" His parents both called my name in chorus.
They're waiting for my answer.
Ibinuka ko ang bibig ko at sumagot na lang sa kanila. Sa pag-sagot ko ay nakita ko ang pag-tango ng ulo nila.
***
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko habang iginagala ang paningin ko. Hindi ko alam kung tamang desisyon ba 'tong ginawa ko pero bahala na. Nandito na 'ko, eh.
Hindi naman pwedeng ngayon pa 'ko mag-bago ng isip.
Napapitlag ako nang maramdaman kong may humawak sa balikat ko. "Okay ka lang? Nervous?"
"Okay? Hindi. Nervous? Oo." Tipid kong sagot. Ramdam ko ang panlalamig ng kamay ko. Binabalot ng nerbyos ang katawan ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan 'to, o kung makakaya ko bang lampasan 'to.
Just when I thought that I was about to break down, he hold my hand and dragged them to his lips then he planted soft kiss on the back of it.
"I'm here. You can do it, believe me. Stop frowning, okay? Smile. It suits you better."
With the pounding heart still, I smiled. But it didn't reached my eyes.
"Thank you, Helwinn."
BINABASA MO ANG
Fourth of July
General Fiction"If loving you is a crime, then I'll be your primary suspect." - Gabriel Keilev Coronado.
