CHAPTER TWENTY-ONE

13 0 0
                                        

HER POV

Bago pa man tumunog ang alarm ko ay nagising na 'ko. Agad kong ginawa 'yung mga morning routine ko at nag-handa ng breakfast. Nagulat pa 'ko nang makita ko si Gabriel na nakaupo na agad sa may dining table matapos kong mag-luto. I didn't noticed him at first dahil malakas ang tugtog sa speaker ko.

"Kanina ka pa d'yan?" I asked him.

"Yeah. I've been watching you," Natatawang sabi nito.

Tinaasan ko naman siya ng kilay at hindi na lang ako kumibo. So, nakita niya 'yung pag-sayaw sayaw ko dito? Gosh, para pa naman akong nakawala sa coral kapag sumasayaw. Indak kung indak talaga.

Nag-luto na rin ako ng lunch for him. I cooked spicy chicken and pork adobo. Pinagsama ko nalang sila, hindi naman aangal 'yun kapag mag-kasama sila.

For the whole time ay abala si Gabriel sa laptop niya at paminsan-minsan ay may bubuklatin na folder sa tabi niya at ch-check-an 'yon. Para siyang prof na nag-aayos ng mga exams ng mga bata. He's wearing specs while working, I don't know why but I always find him hot when he's wearing specs.

Para lang siyang teenager na nerd. Hindi makabasag pinggan.

Pero sa totoo, nakakatakot kung pilit mong aalamin ang pagkatao niya.

Minsan, napapaisip na lang ako na what if noon pa lang ay nag-punta na 'ko sa studio nila Winn? Baka noon pa lang, model na 'yung pinasok ko. Pwedeng-pwede naman ako do'n. Si Helwinn lang talaga 'yung nang-aasar sa'kin.

What if.. just what if.. puro what ifs na lang 'yung naiisip ko. Siguro hindi ganito kalala 'yung mga pinagdadaanan ko at kailangan ko pang pag-daanan kung nasa iisang workplace lang kami ng kaibigan ko.

Siguro mas safe for me. Mas masaya.

Unlike here, being journalist slash fake maid, na required i-risk ang buhay para lang sa trabaho. Hindi pa 'ko nagtatagal sa pinasok kong 'to pero parang gusto ko nang lumabas.. parang gusto ko nang umayaw.

Pero hindi ko naman alam kung bakit sa tuwing maiisip kong mag-quit dito ay may pumipigil sa'kin.

Was it because of Tita Precy? Or was it because of something else?

Ngayon, pakiramdam ko maling-mali na ginawa ko 'tong trabaho na 'to. Parang nag-sisisi na 'ko na pumayag ako dito. E'di sana hindi ako nangangamba nang ganito para lang sa buhay ko.

"What are you doing?"

Muntik ko nang mabitawan 'yung pitsel na hawak ko dahil bigla na lang sumulpot si Gabriel mula sa kung saan.

"Ano ba? Nagulat ako!"

"Apaw na 'yung tubig." Turo niya sa tumbler na nilalagyan ko ng tubig. Napatingin naman ako doon at tama nga siya na halos mag-lawa na dito sa lamesa dahil kanina pa umaapaw 'yung tubig na nilalagay ko.

Hindi ko na namalayan dahil sa tumatakbo sa isip ko.

Agad kong pinunasan 'yon at pinag-patuloy 'yung hinahanda kong pagkain. I prepared food sa lunch box na nakita ko dito. Nilagyan ko 'yon ng ulam na niluto ko, rice, sliced fruits, I even made coffee milktea.

"Para sa'kin ba 'yan?" Nakangiting turo niya sa lunch box na ngayon ay nilalagay ko na sa hand-bag.

Inaayos niya 'yung sleeves ng damit niya ngayon. For sure, hindi sa trabaho ang punta niya dahil hindi naman siya naka-business attire. Simpleng three-fourths na top lang ang suot niya at jeans. May specs rin na nakasabit sa damit niya.

Akma niya nang kukunin 'yung prinepare kong lunch nang tapikin ko 'yung kamay niya. Agad naman siyang napahawak do'n. "Masakit!"

"'Wag mo kasing kuhanin! 'Di naman 'yan para sa'yo!"

Fourth of JulyMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon