CHAPTER SIX

9 0 0
                                        

Kinabukasan ay maaga akong pumunta ng office dahil i-b-brief daw muna ako ni Tita tungkol sa gagawin ko. Hindi naman daw ako pwedeng i-brief ng kung sino sino lang, unless it wasn't her.

Pero ngayon ay kami lang ni Helwinn ang nandito sa office dahil may maaga daw na biglaang meeting si Tita. Kaya heto't hinihintay ko siya dito, habang kasama 'tong si Winn. He bought me breakfast to eat. Umaga na rin halos natapos ang shoot nila, but instead of going home and rest, heto siya't nakiki-balita sa kung ano'ng naganap kahapon.

"Kumain ka na muna. Kapag naabutan ka ni Tita na kumakain dito, patay tayong dalawa," Sabi pa niya habang hinahandaan ako ng pagkain. Nag-drive thru daw siya sa McDo para bumili ng pagkain ko. Kumain na daw siya kaya ako na lang.

"Siraulo ka kasi, sino ba kasi nagsabing ibili mo 'ko?" Tanong ko at umupo na lang rin sa couch, matapos ay nag-simula na 'kong kumain. Mamadaliin ko na lang, kasi tama naman siya na malalagot kami kapag naabutan na kumakain kami dito.

Umupo naman siya sa tabi ko at tinanggal 'yung jacket na kanina niya pa suot. "Kesa naman magutom ka. Tumahimik ka na nga lang, kumain ka na."

Lihim na lang akong napangiti habang kumakain. He's so sweet. Talagang kahit sa'n siya mag-punta, basta may madaanan siyang bilihan ng pagkain ay ibibili niya 'ko. Alam niya kasing malakas ako kumain 'yun nga lang ay hindi naman sapat 'yung pera ko para kumain nang masasarap.

Pero, okay lang. Pinangako ko sa sarili ko, na no matter what it takes, pag-bu-butihan ko 'yung trabaho ko para naman kahit papaano- kahit mag-isa lang ako.. kahit walang tulong galing sa iba, ay maisalba ko 'yung sarili ko.

Matapos kong kumain ay nilabas ko na muna 'yung mga basura para walang bakas ng kalat na makita sa loob ng office.

Pag-balik ko ay prenteng naka-upo si Winn sa couch at hawak hawak 'yung phone ko. Nakalagay pa sa baba niya 'yung daliri niya na para bang sinusuri talaga 'yung kung ano man sa phone ko.

"Hoy, ano'ng ginagawa mo? Akin na nga 'yan!" Agaw ko sa phone ko.

"Nanonood lang, e."

"Wala kang mapapanood dito, 'no?" Sabi ko pa at tinago sa bulsa ko 'yung phone.

"Meron. May lumabas pa ngang Ads, e. Nakalagay do'n 'Gusto mo bang pahabain ng ilang pulgada ang iyong ari? I-click ito'," Natatawang sabi niya pa at pumapalakpak pa.

Kaya naman nabatukan ko siya nang malakas. "Bastos mo."

"Ready ka na bang usisain ang buhay ni Gabriel Keilev Coronado?" Tanong niya sa'kin.

Agad naman akong umiling. "Hindi ko nga kilala 'yon."

"SMSGT."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "SMSGT?"

"Search mo sa google, Tanga."

Umirap na lang ako at tumabi sa kaniya tapos ay binuksan 'yung phone ko. Agad kong tinype ang pangalan niya sa google at isa lang ang lumabas do'n.

No results found.

Kumunot ang noo ko lalo sabay baling kay Winn. "Akala ko ba famous 'tong Gabriel na 'to? Wala man lang ni katiting na info about sa kaniya." I sighed and put my phone back to my blazer. "Paano na ngayon 'to?"

"Mysterious daw 'yan na tao. As in, wala pang kahit na sinong nagtatagumpay na makakuha ng info niya. Tsaka, balita ko gumagamit ng ibang cover-up name 'yan. 'Di ba? Ang lakas makadagdag misteryo tungkol sa kaniya?"

Natatawang tiningnan ko naman siya. "'Di ka naman chismoso ano?"

"Hindi, ah. Alam mo, when people around you keep talking shits about him everyday, kahit 'di mo gustuhing maki-chismis. Mapapa-usisa ka na lang talaga."

Fourth of JulyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon