Kung ilang beses akong nag-buntong hininga ay hindi ko na rin halos mabilang. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung tama lang ba 'yung desisyon kong pasukin 'yung trabahong in-o-offer sa'kin ni Tita Pres.
Parang nag-ta-talo 'yung isip at puso ko kung tama ba o mali 'yung ginawa ko.
Kung tatanggapin ko 'yung in-o-offer na 'yon, ibig sabihin parang ilalapit ko na naman 'yung sarili ko sa pangarap ko. Pero kapag hindi ko naman tinanggap 'yon, hindi ko na alam kung saan pa 'ko maghahagilap ng pera.
Gulong-gulo na 'yung isip ko sa totoo lang.
For the nth time, I found myself let out a sigh.
Dahil doon ay natigil si Helwinn sa pag-kain at napatingin sa'kin.
"Ano na naman? Parang tanga,"
"E, bakit ba? Hindi ko alam kung tama ba 'yung desisyon ko."
"'Wag ka na mag-isip ng kung ano ano. Isipin mo nalang kapag tinanggap mo 'yung trabaho, mag be-benefit 'yun sa'yo. Imagine, hindi ka na mag-titiis sa buhay na meron ka ngayon."
"Ewan ko na." I murmured and finished my cup of coffee. Inaya niya kasi akong mag-almusal muna bago kami pumunta sa company ng Tita niya.
Saglit siyang nag-paalam sa'kin para sagutin 'yung phone niyang kanina pa nag ri-ring. Kanina pa daw tumatawag 'yung manager niya at for sure ay umuusok na 'yung ilong no'n sa inis dahil hindi siya sumasagot.
Hay, mabuti pa 'tong isang 'to, e. Pa-pose pose lang sa studio nila tapos binabayaran na siya ng malaki.
Nawa'y lahat.
Nang makabalik siya ay natawa siya nang makitang nakatingin ako sa kaniya.
"Pogi ko ba?"
I shook my head. "Hindi." Sumama naman ang tingin niya sa'kin at bumalik na sa pagkakaupo sa harap ko.
"Winn, 'di ba naghahanap ng model 'yung sa studio niyo? I can-"
"Lubayan mo. Oo nga't pwede kang pang-model,"
Napangiti naman ako sa sinabi niya. "I knew it. Thanks-"
"Model ng iskoba." Sagot niya at sinundan pa niya ng tawa niyang pagka-lakas lakas. Halos maluha siya sa kakatawa.
"Alam mo, bwisit ka sa buhay ko."
***
Matapos ang pag-uusap namin ni Helwinn ay hinatid niya na 'ko sa company ng Tita niya. Hindi na siya pumasok sa loob dahil kailangan niya na raw pumunta sa studio nila para harapin 'yung manager niya.
Nag-pasalamat na lang ako sa kaniya. Bukod sa libreng pa-almusal at pag-hatid niya sa'kin ay saglit muna kaming dumaan sa bahay nila para pahiramin niya 'ko ng formal attire ng elder sister niyang si Ate Heleina- na kasalukuyang nasa Thailand para mag-model doon. Fashion designer rin siya do'n.
Sakto lang sa'kin 'yung dress dahil magka-buit naman kami ng katawan. I chose beige above the knee dress, and put blazer on top of it. Pinasuot rin niya sa'kin 'yung two-inches stiletto heels ng kapatid niya para naman presentable ako 'pag humarap sa mga tao sa company.
Natatawa pa siya dahil mukha daw akong lalaking nag-bihis babae. Ano'ng magagawa ko kung boy cut 'yung hairstyle ko?! Kainis, may clip naman na 'kong nilagay.
Pag-labas ko ng powder room ay inayos ko muli 'yung tindig ko at nilibot ang paningin ko. It's a prestigious and huge company kaya nakakahiya naman kung tanggihan ko at mag-inarte pa 'ko.
Lahat ng mga tao dito ay naka attire din. Such a professionals. Mabuti't pinaalalahanan ako ni Helwinn na mag-palit ng damit, kun'di mawawala sa isip kong naka pang-jogging attire ako. Bago kasi kami kumain ay nag-jogging muna 'ko.
BINABASA MO ANG
Fourth of July
General Fiction"If loving you is a crime, then I'll be your primary suspect." - Gabriel Keilev Coronado.
