CHAPTER FORTY-SEVEN

5 0 0
                                    

HER POV

It was indeed a tough week for me. Ang daming nangyaring hindi ko inaasahan, may mga revelations, realizations, pati na rin 'yung mga plot twists ng buhay ko. They're too much for me to handle.

I didn't know how I got to cope up with everything that had happened. Para akong tuliro at hindi halos malaman ang gagawin. Napabayaan ko na rin 'yung sarili ko. Hindi ko na nagagawang kumain nang maayos, hindi na ako nakakatulog nang maayos— hindi na ako natutulog minsan. Daig ko pa adik na magdamag dilat.

Pati na rin pakikipag-kita sa mga kaibigan ko, hindi ko na magawa. Wala akong sinasagot na kahit kaninong tawag, naka-deactivated lahat ng social media accounts ko. May mga times pang nagtatangka silang kausapin ako rito sa mansyon pero hindi ako lumalabas ng kwarto. Hindi ko alam kung ano'ng sinasabi ni Nanay Simeona sa kanila sa tuwing narito sila at hinahanap ako.

Nanay Simeona had no idea kung ano'ng totoong nangyayari sa'kin kaya alam kong mahirap para sa kaniyang mag-salita sa iba tungkol sa akin.

I know they were all worried about me. Pero wala akong magawa para i-assure silang okay ako. Dahil ako mismo sa sarili ko, hindi ko alam kung okay lang ba ako.. o kung magiging okay pa ba 'ko.

Sa isang iglap, parang naging playback movie ang buhay ko. It hit rewind hanggang sa mapunta ako sa sitwasyon ko noon na halos puro part-time jobs ang hagilapin ko. Noon, maayos akong naninirahan sa lumang apartment, doon puro materyales lang at pera ang problema ko. Kahit papaano, madali ko 'yong nasosolusyunan.

Pero ngayon, simula nang pasukin ko 'tong yugto ng buhay ko na 'to kung saan akala ko'y isang tao lang ang problema ko.. dumagdag nang dumagdag lahat. 'Yung issue sa pamilya ko, sa nanay ko, sa kapatid ko.. akala ko hanggang doon lang 'yon. Akala ko matatapos na roon. Pero mali ako.

Parang isang bombang sumabog lahat. Hindi ko na alam kung kaya ko pa ba, pero isa lang ang gusto ko ngayon. Ang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng tatay ko. Above anything else, that would be my top priority.

"Anak, Chelsea!"

Napalingon ako sa boses ni Nanay Simeona. Abala ako sa pagsa-sampay ng bedsheet ng kama ko nang marinig ko siya.

"Kanina pa kita tinatawag. Akala ko'y nasa loob ka lang!" Humahangos na sabi nito. Nabahala naman ako sa tono ng pananalita niya.

"May problema po ba?" Tanong ko sa kaniya at tinigil ang pagsasampay. Pinunasan ko muna ang kamay ko at hinawakan siya sa braso.

Hingal pa rin siya kaya naman inabutan ko muna siya ng tubig na nasa tumbler ko. "'Yung kaibigan mo na si Elysha, sinugod daw sa hospital!"

"Po? Kailan po? Sino hong nag-sabi?" Sunod-sunod na tanong ko. Nag-aalala na rin ako para sa kaibigan ko.

"Nakasalubong ko 'yung Cedrick kanina lang. Pupuntahan ka nga raw dapat niya kaso nakatanggap siya ng tawag na nasa hospital si Elysha."

"Gano'n po ba? Pupuntahan ko po muna si Elysha. Saan daw po bang hospital siya dinala?" Tanong ko at nilabas ang phone ko. Nag pa-panic na 'ko na dahil ang tagal mag-bukas ng phone ko. Ang tagal din kasing naka-off nito kaya malamang ay na-drained ang battery no'n.

Mabuti't tapos na ako mag-sampay kaya naman pumasok na 'ko sa loob para mag-ayos. Nang mabuhay ang phone ko ay puro missed calls 'yon galing sa mga kaibigan ko. May mga unread messages din. As soon as I got to know where Elysha was being admitted, I put my phone into silent mode dahil tunog nang tunog ang phone ko dahil sa notifications.

Tanging phone ko lang ang dala ko at pati na rin ang wallet ko. Mabilis lang ang naging byahe papuntang St. Laurence Hospital. Agad kong nakita si Cedrick sa may lobby na may tinatawagan sa phone niya. Binaba niya 'yon nang makita niya ako.

Fourth of JulyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon