HER POV
"Come on in! Gosh, you look very good together. Such a gorgeous couple!" Ma'am Victoria exclaimed as soon as she saw us. Magkahawak-kamay kaming pumasok ng mansyon, bitbit ni Gabriel sa kabila niyang kamay ang mga seafoods na in-order pa namin para dalhin dito. His parents love seafoods so much.
I even cooked sweet and spicy steak for them. Walang kasawaan sa steak 'yung pamilya nila. Ngayon ko lang napag-tanto. Kahit yata steak lang ang ihain araw-araw sa kanila, okay lang. Pabor pa sa kanila.
Hindi naman ako masiyadong maalam sa pagluluto ng steak. Puro murang ulam lang ang kaya ko. Mabuti na lang at ginabayan ako ni Nanay Simeona. Magka-video call kami habang nagluluto ako. Tinuruan ko kasi siyang makipag-vc noong nasa mansyon pa siya para madali niyang makausap at makita 'yung iba niyang relatives.
Pag-pasok namin ay sinalubong ako ng halik sa pisngi at yakap ng Daddy niya. Simpleng pag-tapik lang sa balikat ang iginawad niya kay Gabriel.
"Thank you for the foods, iha. Nag-abala ka pa." Sabi pa nito sa'kin matapos bumitaw sa pagkakayakap sa'kin.
"No worries po."
"Tamang-tama at hindi pa kami nakakapag-paluto. Kasya na sa'tin 'to, madami naman 'to eh." Nakangiti pang sagot ni Ma'am Victoria.
Sinabihan nila kami na ipatatawag na lang kami kung kakain na dahil may kailangan silang asikasuhin sa opisina nila. Mayroon palang bukod na office or workplace 'yung Mommy at Daddy niya dito sa mansyon. Nasa pinaka-itaas na palapag 'yon. Kailangan pang gumamit ng elevator para lang makarating do'n.
Pumasok na muna kami ni Gabriel sa kwarto niya. Doon lang kami nag-bitaw ng kamay.
"Inaantok ka pa ba?" Tanong nito sa'kin nang makitang naghihikab ako.
Bahagyang tumango na lang ako. Ang aga niya kasi akong ginising para lang i-pick-up namin 'yung in-order na seafoods. Malayo pala 'yung in-order-an niya. Isa pa, sabi nila kung i-de-deliver daw 'yun ay baka lunch or after lunch pa makarating dahil madaming naka line-up for delivery.
Kaya kami na mismo ang kumuha. Besides, I don't think Gabriel will let them go to his mansion just to deliver the foods. He hates it when someone's going on his house.
Kung hindi pa nga ako nag-a-apply na yaya ay baka nahirapan din akong makapasok sa bahay niya. Mabuti na lang talaga at kahit papaano'y gumana naman 'yung strategy ko.
"Go and sleep then. I'll do my work here. I won't make a sound." Sabi niya pa at sinimulang lumakad papunta sa walk-in closet niya para mag-palit ng damit.
"Alright. I'll change my clothes first. Just wake me up if you need something."
I chose to wear stripes comfy shirt then short-skirt. Hindi naman na namin kailangan mag-bihis nang bongga dahil kami-kami lang 'yung nandito. Me, Gabriel, and his parents. Well, pati na rin 'yung mga servants sa mansion. But other than that, wala na.
Mabuti na lang rin. Kung hindi, baka maulit na naman 'yung nangyari before kung kumpleto sila ng mga pinsan niya. According to him, kapag weekdays daw ay hindi sila nagpupunta dito dahil busy sa mga trabaho. Medyo na-i-scam pa nga ako ng loko dahil sabi niya ay family gathering daw pero hindi naman pala.
Si Gabriel naman, may trabaho rin naman siya pero dinala na lang niya dito 'yung mga tra-trabaho-in niya para kahit wala siya sa office niya ay magagawa niya 'yon dito.
Regarding sa studio nila Winn, I sent an e-mail to Direk Ryan and his team na I'll be gone for a few days. Hindi naman ako magtatagal at babalik rin ako kaagad. I just told them na kahit wala ako sa studio ay pa-practice-in ko na lang 'yung ramp ko. Dahil this coming Saturday na 'yung big day ng studio nila.
BINABASA MO ANG
Fourth of July
General Fiction"If loving you is a crime, then I'll be your primary suspect." - Gabriel Keilev Coronado.
