CHAPTER FIFTY-SEVEN

13 0 0
                                        

#HER POV

Buong gabi akong hindi napakali dahil sa halik na 'yon. As much as I wanted to close my eyes and drift to sleep, I couldn't! Nag re-replay pa rin sa isip ko 'yung mga sinabi niya pati 'yung ginawa niya.

He kissed me!

No..

We kissed!

And I let him! I didn't even tried pushing him away for fvck's sake!

But how can I do that? My mind wanted to push him away and tell him to stop, but my heart acted otherwise. The moment I felt his soft and warm lips on mine, it just like my body froze and his kiss sent shiver all over my body. I couldn't even think properly. I knew I wanted him to stop, I knew I scolded my self for letting him do that.

But God knows how much that kiss corrupted my freaking heart. For some reason, I found myself giving in, kissing him back with full of intensity like he was.

And that's not right!

Inis kong sinabunutan ang sarili ko at binaon ang mukha ko sa unan. "Tanga-tanga! What have you done?!"

Nakarinig ako ng sunod-sunod na katok sa pintuan ng kwarto ko kaya't bumangon na 'ko. Parang zombie na tinungo ko ang pintuan at binuksan 'yon. Nakangiting mukha ni Nanay Sim ang tumambad sa'kin.

"Halika na at kakain na tayo."

Dahan-dahan lang akong tumango. "Susunod po ako. Mag-aayos lang po." Tamad na tamad kong sagot. I washed my face and fixed myself. Bago ako lumabas ng kwarto ay pinaalalahanan ko pa 'yung sarili ko na umakto ng tama at parang walang nangyari.

Tama! Madali lang 'yon!

Pag-dating ko sa kusina ay nakahanda na ang pagkain. Si Nanay ang nasa dulo ng lamesa habang si Gabriel naman ay tahimik na nag-lalaptop habang kumakain ng sandwich at umiinom ng kape.

'Yan, tama 'yan. Make yourself busy. Bulong ko sa sarili ko at umupo na sa tapat niya.

"Kumain ka nang marami, iha. Parang may sakit ka eh, ang tamlay mo." Puna pa ni Nanay Simeona. Natigil siya sa pag-kain at nagulat ako nang ilapat niya ang palad niya sa leeg ko at noo ko.

"Hindi ka naman mainit. Bakit pulang-pula ka?"

Gabriel chuckled softly and threw glances at me. Ang kaninang nakafocus niyang tingin sa laptop ay nalipat na sa akin. "Oo nga, Chelsea. Pulang-pula mukha mo oh."

I controlled my raging chest. "I'm fine. Wala naman po akong sakit." Baling ko kay Nanay Simeona.

"Pero kung ganoon, bakit namumula ka?" Tanong niya. Nag-kibit balikat na lang ako.

Muli na namang sumabat si Gabriel na ikinainis ko. "Baka naman kinikilig ka? Tell me, ano bang naiisip mo at parang hindi ka mapakali?" Talagang inaasar niya ako!

Nang samaan ko siya ng tingin ay natawa siya kaya naman napatingin si Nanay sa kaniya. "I'm done eating. Chelsea, finish your food and fix yourself afterwards. Sasama ka sa'kin sa opisina."

"Sino nag-sabi?"

"Ako."

"At bakit?" I fired back.

Ni hindi ko na naharap nang maayos 'yung pagkain ko. Pailing-iling na lang si Nanay habang nakikinig sa aming dalawa.

"Because I want you to come with me. Do you need any explanations?"

"Tss. K, fine." Umikot ang mata ko at umalis na siya sa harapan ko.

Siyempre wala na akong choice! Tinapos ko na 'yung pagkain ko at sinunod ang inutos niya. Aangal pa sana ako pero na-realized kong dapat nga pala ay mas madalas kaming mag-kasama dahil una sa lahat, siya ang dahilan kung bakit ako napasok sa misyon na 'to.

Fourth of JulyMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon