CHAPTER THIRTY-FIVE

11 0 0
                                        

HER POV

"He likes you."

Saglit na binalot ako ng katahimikan bago humagalpak ng tawa. Nakahawak pa 'ko sa tiyan ko dahil sa kakatawa. Kunot-noo naman akong tiningnan ni Helwinn.

"What?"

"Sorry, sorry. Ikaw kasi, eh. Funny ka pala 'no?"

"Chelsea. I'm dead serious."

I sighed and looked away. "Let's not give meaning to all of his actions." Sabi ko na lang at kunwari'y napatingin sa wristwatch ko.

"Almost 2 am na pala! Kaya pala inaantok na 'ko. Uuwi ka na ba? Hatid na kita sa labas." Akma ko na siyang aakayin nang umiling siya.

"I can manage. Mag-pahinga ka na."

Sunod-sunod na lang ang pag-tango ng ulo na ginawa ko. Hindi na rin naman ako nakipag-talo pa dahil inaantok na rin ako. Niyakap niya 'ko saglit at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. Napangiti na lang ako at nag-paalam na sa kaniya.

Dahil tapos naman na 'ko mag-linis ay umakyat na rin ako sa kwarto rito sa pad ng kambal at binagsak ang sarili ko ro'n.

Pag-gising ko ay agad akong nag-ayos at bumaba na sa kusina. Naabutan ko pa 'yung kambal na mga naka-bihis ng long sleeves at parang aalis na sila.

"Morning, Chelsea.." Sabay na bati sa'kin nung dalawa.

I greeted them back and roamed my eyes around.

He should be here, right?

"Maagang umalis, busy daw siya ngayon."

Napayuko naman ako nang ngumisi si Jallen. Gano'n ba ka-obvious 'yung paghahanap ko sa kaniya?

"Aalis na ba kayo?" I asked them both matapos umupo sa upuan katapat ni Jairus na abala sa pag-babasa ng newspaper.

"Not yet. Ihatid ka raw muna namin bago kami sumunod sa office."

Alas nueve na pala pero nandito pa rin siya. Dapat ay maaga silang nakaalis para sa trabaho, pero mukhang hinintay pa nila 'kong magising.

Gaya nga ng sinabi ng kambal ay hinatid na muna nila 'ko sa mansion ni Gabriel bago sila dumeretso sa office.

Bitbit ang mga regalong natanggap ko kagabi pati na rin 'yung maliit na box na regalo nung kambal ay bitbit ko rin. Kanina lang nila inabot sa'kin 'yung regalo nila bago ako bumaba ng sasakyan.

Dahil hindi raw nila pwedeng i-abot sa'kin 'yung regalo nila kapag nasa tabi nila si Gabriel, dahil for sure ay sasamaan daw sila ng tingin nu'n. Natawa naman ako sa kwento nung dalawa.

Hindi naman siguro. Isa pa, bakit naman siya magagalit 'di ba? It's not as if he's my boyfriend or something.

So, anyone can give me something as a gift.

Nag-usap lang kami ni Cedrick habang inaabala ko ang sarili ko sa pagbabasa ng libro. Wala naman akong ibang gagawin kaya mabuti pang abalahin ko 'yung sarili ko.

"G ka ba?"

I laughed at the tone of his words. "Eto naman, parang nag-aaya lang uminom sa kanto!"

"What? I'm asking you. Meet me at 3 PM. I'll text you the loc."

"K. Fine."

Nag-luto lang ako ng ham and bacon para sa lunch ko. Matapos nu'n ay nag-unbox na rin ako ng mga regalo. Bag ang regalo sa'kin ni Ely. Kay Cedrick naman ay raindrop style na earrings. 'Yung kay Helwinn naman ay jewelry set and pair ng mga sleepwears.

Fourth of JulyMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon