HER POV
Hindi ko alam kung gaano katagal 'yung inabot ng byahe ko. Halos mamanhid ang buong katawan ko at hindi ko na rin maidilat ang mga mata ko dahil sa pamamaga nito. Sa buong biyahe yata ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang umiyak.
Laking pasalamat ko na lang at walang nangyaring masama sa'kin dahil sa estado ko ngayon.
Nang makarating ako sa destinasyon ko ay maaliwalas na tanawin ang bumungad sa'kin. Para siyang open park, maganda ang view at talagang makakapag-relax ka.
Bitbit ang dalawang bote ng beer at chips ay bumaba na 'ko ng sasakyan. Lamig ng hangin ang yumakap sa'kin na para bang niyayapos ako at nakikiramdam sa lungkot ko ngayon.
Hindi ko na dinala pa 'yung phone ko dahil ayokong kumausap ng kung sino. Gusto ko this time, ako muna. Walang ibang inaalala, walang ibang iniintindi. Sarili ko lang.
Impit pa 'kong napamura dahil sa lamig. Bakit ba kasi hindi man lang ako nakapag-dala ng balabal.
"This is refreshing.." Mahinang usal ko habang nakapikit ang mga mata at dinadama ang lamig ng hangin.
Humanap ako ng upuan at pinag-kasya ko ang sarili ko ro'n. Parang bangin na 'yung baba nito dahil nasa mataas na lugar na yata ako.
Binuksan ko ang beer at hinayaan kong dumampi 'yon sa mga labi ko. Sa bawat pag-hagod ng alak sa lalamunan ko ay siyang pag-balik ng mga ala-ala sa'kin. Past few days had been so cruel to me. Oo nga't na-recognized ako ng buong mundo as the author behind the famous and best selling book. Pero bakit parang hindi naman ako masaya?
Unti-unti nang bumabalik 'yung pangarap ko. Pero bakit parang hindi ako mapasaya nu'n?
I have set of amazing and precious people who always listen and support me. Tamang mahal nila 'ko at nariyan sila para sa'kin..
Pero bakit parang may kulang?
Muli na namang bumalik sa'kin 'yung pag-uusap namin ni Ate kanina.
May sakit si.. Mama.. ang babaeng nag-silang sa'kin sa mundong ito.. ang babaeng nakasama ko sa iisang bubong pero hindi ko naman naramdaman ang pagmamahal at pag-aaruga.
Kaya ko nga ba siyang tiisin? Ganu'n na nga ba ako katigas?
Pero hindi ko naman ginusto 'to, e! Na malagay ako sa ganitong sitwasyon.
I am such a crybaby. Tila agad na lumalambot 'yung puso ko basta pamilya na 'yung pinag-uusapan.
"Lord, please give me more strength and courage to handle all this." Bulong ko habang nakatingala sa langit.
Na-realized ko lang na kinailangan ko pa pala ng tulong ng ibang tao para lang mag-patuloy ako sa buhay.
I was lost. But Helwinn did helped me. If it weren't for him, malamang ay wala naman akong trabaho na pinag-kakaabalahan ngayon. Baka kung ano-ano pang trabaho ang in-a-applyan ko ngayon.
I only had Helwinn before. Siya lang 'yung meron ako, siya lang 'yung nakakausap ko't nakakaramay ko sa lahat. But Cedrick and Ely came to the picture. At last, I found new set of friends.
And Gabriel.
He made me feel things I never felt before. If it weren't for him, siguro hindi ko maibabalik ulit sa'kin 'yung pangarap ko. Siguro hanggang ngayon, nangangapa pa rin ako kung paano magpapatuloy.
I, at least, smiled on that thought.
At some point, I could say I am still blessed.
Halos maubos ko na 'yung chips na kinakain ko at isang lagok na lang 'yung beer ko kaya naman agad ko nang tinungga 'yon.
BINABASA MO ANG
Fourth of July
General Fiction"If loving you is a crime, then I'll be your primary suspect." - Gabriel Keilev Coronado.
