CHAPTER SIXTY-ONE

15 0 0
                                    

#HER POV

The following days went so fast. Nakabalik na kami sa dati naming buhay. Ang ilan sa mga empleyado ni Gabriel ay in-eenjoy na ang pag-sh-shopping ng mga branded and luxury stuffs, may ibang nasa trip for anywhere sa abroad.. at siyempre may ibang pinag-iinit na sa palad nila ang kalahating milyon.

Hindi ganoon kaganda ang bumungad sa'kin pag-labas ng isla dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalantad kung sino ang pumatay kay Anderson. Kaya hindi rin namin kasama ni Elysha ngayon si Cedrick dahil maski siya ay hindi tinatantanan ang pag-alam ng katotohanan.

"Awang-awa na ako kay Ced, sa totoo lang.." Saad niya na siya namang nakapag-patigil sa'kin sa paglalagay ng mga pagkain sa push cart.

Pinanliitan ko siya ng mata.

"Halos hindi na siya nakakapag-trabaho nang maayos dahil inaasikaso 'yung case ni Anderson. Alam mo bang tambak na 'yung workloads niya? Bingo na nga siya dapat kay Pres eh.."

Humigpit ang hawak ko sa chips bago ito ilagay sa cart. Napatingin naman siya ro'n at napalunok nalang.

"Hindi ba niya alam 'yung pinagdadaanan ni Ced? Hindi niyo sinabi sa kaniya?"

Siya na ang nag-tulak ng cart at hinayaan ko lang hanggang sa makarating kami sa section ng chocolates. "Of course, I did. Kahit naman hindi ko 'yon sabihin sa kaniya, naging matunog din sa media ang pagkamatay ni Anderson kaya for sure aware siya ro'n."

Tumango na lang ako at sinabing pupunta ako sa company para makausap nang personal si Tita. Pinigilan pa 'ko ni Elysha dahil baka mas lalong bumingo si Ced sa kaniya kapag nalaman na kakausapin ko siya para lang sa issue ni Cedrick. Hindi ko naman na inisip 'yon, dahil alam kong hindi ganoon si Tita.

I know she'll understand if I'll explain everything to her thoroughly. Siguro talagang stressed lang sa trabaho si Tita kaya napag-iinitan si Cedrick.

Aside from Tita Pres, naisip ko rin na kausapin si Cedrick. He might be very busy but I know he would never neglect or ignore me if I come to him wanting to have a talk with him.

Kagaya ng napag-usapan namin ni Elysha ay sa building na ng DPC ako dumeretso matapos ko siyang samahan sa grocery store. Siya naman ay umuwi na para i-ayos ang mga binili. Wala naman na raw siyang trabaho kaya sa bahay na lang siya. Basta't sinabi niyang balitaan ko na lang siya kung sakali man na magkausap kami ni Tita o ni Ced.

When I entered the building, all eyes were on me. May ilan pang ngumingiti at kinakawayan ako, ang iba naman ay nilalampasan lang ako. I greeted those people who noticed me then go straight to Tita's office. But before I could even knock on her door, one voice stopped me.

"She's not here." Napalingon ako sa lalaking nag-sabi no'n. His body was being hugged by his short-sleeves polo and jeans, brushed-up hairstyle and I also noticed piercing on his ears and nose. Hindi siya mukhang adik dahil do'n, it suits him.

Bago ko pa makabisado ang appearance niya ay muli siyang nag-salita. "She left early, may meeting sa Antipolo."

Slowly, I nodded my head and keep my hands to my pocket. "Mga anong oras kaya siya makakabalik?" I asked him. "Sa tingin mo.."

He just shrugged his shoulders. "Don't know.." His brows creased. "May kailangan ka ba sa kaniya? Maybe I can help you."

Iniling ko naman agad ang ulo ko at nag-pasalamat sa kaniya bago umalis. Sinabi niya pang sasabihan na lang daw niya si Tita na nag-punta ako rito kapag nakabalik na ito.

Truth be told, Cedrick was really hard to find. I searched for him inside their department but they all shook their heads when I asked him where he was. Pumasok naman daw ito ngayong araw pero hindi nila alam kung nasaan na ito ngayon. Lumabas daw kasi ng office kanina at hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik.

Fourth of JulyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon